C h a p t e r 0 2

10 3 0
                                    

Julya's Pov

Napaka aga palang ay naisipan ko ng pumasok sa school😊

Hindi na nga ako napansin ni Tatay ng gumising ng maaga eh.

At oo, marunong akong mag luto. (Paalala po, wala man ako makita ay nagagawa ko din po ang mga gawaing bahay, gamit lang ang sense ng pag aamoy ko) Pero hindi naman as in na aamoyin ko talaga ang mga bagay. Kahit hindi ko na kailangang lapitan pa ay naaamoy ko pa din. Kumbaga nga ay malakas talaga pang amoy ko😊


Sabi nga ni Ate Phoebe, baka raw nakuha ko kay Kuya Eli dahil raw sa bampira sya. Ang weird nga eh dahil hindi naman kami relate sakanila dahil pure human talaga kami at bampira sila. Pero... Baka nga ganun talaga dahil kaibigan parin sila ni Nanay.


Sayang nga na hindi ko na naabutan pa si Kuya Eli nun, baka nga agad kami magka sundo nun eh.

Pero sabi pa ni Ate Phoebe na pwede ko ring makuha sa asawa nya. Si Kuya Larry. Opo, kasal na sila😊 May anak na nga din sila eh.





"Ah...  ATE JULYAA!!!" -sabay na nararamdaman kong patakbo sya palapit saakin.

Alam ko na agad kung sino yun😊


"Oh.. Yassi! Bat nag mamadali ka?😅 Hindi pa nga ako nakakapasok sa classroom eh" -Me

Andidito palang ako sa labas ng school.

At si Yassi ang anak nina Ate Phoebe at Kuya Larry (Gusto ko man tawagin sila ng Tita at Tito pero ayaw nila😂)


"Hindi mo man lang kasi ako hinantay eh. Ganun ka din kaya kahapon. Nakakatampo na kaya😒" -Yassi

"Haahahha hindi man kita makita, Yassi ay naiimagine ko pa din ang itsura mo ngayon. Excited kasi ako at mahal pa din kita😁" -Me

"Hahhahahhha awwww Ate naman eh😻😻😻 Hindi din naman kita mapigilan noh😅😅 Eh ano palang ginagawa mo dito?" -Yassi

"Wala lang. Baka kasi sa sobrang aga ko, ako palang tao dun" -Me

"Hahahah ang galing mo talaga, Ate. Kahit oras, alam mo😕 Paano yuun?" -Yassi

"Hindi mo aakalain na binibilang ko ang oras😊" -Me

"Oh? Paano?!" -Yassi

"Hahahh secret😏 Tara na at pumasok na tayo ng sabay sa classroom. Pero pasok ka muna sa classroom ko para makapag usap pa tayo😊" -Me


Wala na akong narinig na sagot kaya sa tingin ko ay napangiti nalang sya at naramdaman kong hinawakan nya pa ang isang kamay ko, sabay na nag lakad na kami.



Hindi ko kasi sya ka-classmate. Sya ay isang fourth year highschool at ako naman ay isang second year college😊

Kahit man magka layo kami ay lagi parin kami magkasama. Nakikisama na nga din sya minsan sa mga kaibigan ko eh at minsan pati na din mga kaibigan nya.


.......


Nang makarating na kami ng classroom ko ay agad namang nag tanong si Yassi.

"Nga pala, Ate. May nabalitaan ka bang magkakaroon kayo ng bagong classmate dito?😊" -Yassi

"Ummm... Di ako sigurado, Yassi eh. Pero, may isang tao na pumunta nun kahapon sa shop natin. At sya na daw bagong principal natin, simula ngayon. Tas may anak daw sya na sana raw maging kaibigan ko. Natin😁 Lalake daw anak nya" -Me

His Dandelion [ONGOING]Where stories live. Discover now