wrong sent lang pala

474 14 0
                                    

magmula sa araw na yon, hindi na masyadong lumalapit sakin si Kise. hindi na niya ako sinasama kapag lunch. at hindi na rin siya nanghihiram ng mga notes kapag nakakatulog siya sa klase. nag-uusap naman kami pero kapag may kaylangan lang siya. nagpapalitan din kami ng e-mail kung minsan.

pero bakit parang nasasaktan ako? ginusto ko 'to diba? haist.

dumami na rin yong mga kaibigan ko simula nong dumistansya ng kunti sakin si Kise. naging masaya naman ako sa mga bago kong kaibigan pero pakiramdam ko, parang may kulang. parang merong isang mahalagang bagay na nawala sakin.

"  guys~! tara na~! lunch na tayo~!  " - yaya ni Kise sa mga bago niyang kaibigan.

hindi lang ako yong nagkaroon ng bagong kaibigan, pati rin siya.

"  sige! Kise libre mo huh! hehe!  "

"  ehehe~! sige na nga~!  "

at umalis na sila papuntang canteen.

pumunta narin ako ng canteen ng MAG-ISA.

kumain ng lunch ng MAG-ISA.

bumalik ng classroom ng MAG-ISA.

tengene! bakit naging solo flight ako ngayon?

kasi gusto ko.

gusto ko munang mapag-isa.

at kelan pa ako naging emo?

ngayon lang.

ako yong nagtatanong tapos ako rin yong sumasagot? baliw lang? haist.

Wrong Sent [Kuroko no Basket]Where stories live. Discover now