salamat wrong sent (^__^)

481 25 6
                                    

MIYAKO AIKA

2 weeks na ang nakalipas nong nangyari yong wrong sent incident. at dahil sa insidenteng yon, may na realized ako.

gusto si Kise, hindi bilang kaibigan, higit pa don yong nararamdaman ko. ayoko kasing aminin sa sarili ko noon na nahuhulog na pala yong loob ko sa kanya. ang akala ko kasi hindi na mapapalitan ng iba si Moriyama-senpai sa puso ko, pero mali ako. napalitan na siya ni Kise nang hindi ko alam.

nang dahil sa wrong sent naging magkaibigan kami ni Kise, naging malapit ang loob namin sa isat-isa.

nang dahil sa wrong sent narealize ko na gusto ko siya hindi bilang kaibigan kundi mas higit pa don.

nang dahil sa wrong sent nasaktan ako. assuming kasi! hindi ko akalaing hindi pala para sakin yong message. at isa pa wala namang nakalagay na pangalan ko sa message na yon!

wala naring silbi 'tong nararamdaman ko para kay Kise dahil may iba na siyang gusto. ayoko ring mag- ' I Love You nalang sa tago ', ang hirap at ang sakit kaya non! siguro nga dapat kalimutan ko nalang 'tong nararamdaman ko para hindi na ako masaktan pa.

at dapat nga maging masaya ako para sa kanya dahil nakahanap na siya ng taong mamahalin niya. yon nalang siguro yong gagawin ko kahit masakit sa kalooban ko.

-------------------------------------

sa classroom

solo mode na naman ako. mahigit 2 weeks na akong solo mode palagi. nag-eemo na talaga ako.  (-___-)

nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nag-iisip ng kung anu-ano ng marinig ko yong boses nina Kise at Fumiya Hana. siya yong girlfriend ni Kise.

nakikinig lang ako sa kanila. tsismosa lang?

ang sweet nila. (>__>)

ayan na naman! kumikirot na naman dibdib ko! tengene!

Wrong Sent [Kuroko no Basket]Where stories live. Discover now