V

862 29 0
                                    

Sa bilis ng panahon, hindi ko na namalayan ang pangyayari. It was like yesterday nang makatapak akong muli dito sa Flademia. Naninibago pa ako noo gayun din ang mga taong nakikipagsalamuha sa akin. Although nandun pa rin ang konting pagkailang pagkat ramdam ko na hindi pa rin nila ako lubusang pinagkakatiwalaan. I understand that. Lalo na si Wilson.

Sa tingin ko naman ay kahit papaano ay gumaan na ang loob niya sa akin pagkat nagagawa na niya saluhin ang ilang jokes ko hindi katulad noon na parang lagi niya akong pinagdududahan.

Si Mason, katulad ng unang hinala ko sa kanya noong una ay sadyang siraulo pala talaga siya. No exaggeration, but clearly the guy is crazy. Wala siyang ginawa kung hindi magpatawa. Siya nga madalas ang dahilan ng pagsakit ng tiyan ko. Hindi ko alam kung sinasadiya niya ang mga sinasabi niya o sadyang ganun lang siyang magisip.

One time ay nag-club kaming dalawa. Hindi sumama sa amin si Wilson dahil ayaw lang niya at maaga naman ang pasok niya kinabukasan sa opisina niya. Ang sabi naman ni Mason ay baka aswangin lang daw nito ang prinsesa. Pulang-pula naman ang mukha ni Wilson nang marinig niyang sinabi iyon ni Mason. Mason almost died that night dahil muntik na siyang patayin ni Wilson.

Lagi na lang akong napapangiti kapag naaalala ko ang mga kalokohan ni Mason. Hindi ko akalain na mage-enjoy sa friendship niya. Mukhang tama nga ang palaging sinasabi sa kanya noon ni Wilson. Damuho talaga siya.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone at agad ko namang kinuha iyon. Nag-text si Mason.

"Gerd, bar tayo mamaya. Alam ko namang toxic diyan sa opisina. Palagi mo pa namang kasama iyang dragonang kapatid ni Wilson. Mas mataas pa ang ang calibre ng bunganga niyan sa mga binibenta mong baril eh." Natawa ako sa pagkaka-text niya. Mukhang malalim ang galit niya sa chairman ng Horecois Industries. Palagi ko naman nakakalimutang itanong kung bakit. Di bale, mamaya kapag nagkita kami ni Mason ay itatanong ko sa kanya.

"Care to share your thoughts with us, Mr. Wright." Pansin sa akin ni Jessica na siya ngayong nakatingin sa akin kasama ng isang dosenang mga presidente ng Horecois. Nasa board meeting kasi kami nang biglang mag-text sa akin si Mason.

Napalunok ako. Hindi naman sa natatakot ako kay Jessica pero she has this vibe that can intimidate the people around her. At sa tingin ko ay iyon ang nangyayari sa akin ngayon.

Hindi ko naman mabasa ang kung galit siya o ano, basta nakatingin lang siya sa akin ng diretso at iyon ang lalong nagpapakaba sa akin ngayon.

Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na nabasa ang laman noon pagkat hindi parin inaalis ni Jessica ang  tingin sa akin. Itatago ko na sana ang cellphone sa bulsa ko nang hagipin niya iyon at kunin sa akin.

Kukunin ko sanang pabalik ng hinarangan ako ng dalawa sa mga body guards niya. Yes. Two bodyguards are allowed in boardroom. And yes, she's that important.

Tahimik na binasa niya ang mga mensahe at pagkatapos ay pabatong ibinalik sa akin ang telepono ko. Nakataas ang kilay ngunit walang emosyon.

"I would like to talk to you privately after this, Mr. Wright." Iyon lang ang sinabi niya at bumalik na siya sa upuan niya.

My goodness. Dumoble yata ang bilik ng tibok ng puso ko gayong wala naman siyang ginawa kundi pagkatitigan ako pero ganoon na lang ang kaba ko. Halos hingalin ako. Pakiramdam ko ay pinagalitan ako ng magulang ko. Jessica is one heck of a terror boss. Sa tingin ko ay mas nakakatakot pa nga siya sa ama niya pagdating sa opisinang ito.

For goodness' sake, she's just twenty three and I'm way older than her and yet, para akong para akong papel na tumitiklop sa kanya.

Pagkatapos ng mahigit tatlumpung minuto ay natapos na rin ang board meeting. Nagpaalam ang lahat at gaya nang sabi ng chairwoman ay kaming dalawa nalang ang natira sa loob ng boardroom. Lahat ay pinalabas kasama na rin ang dalawang bodyguard niya na humarang sa akin kanina.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon