XIII

763 25 0
                                    

As I clean him up, hindi ko mapigilang hindi maawa sa kanya, pati na rin sa mga taong umaasang isang araw ay magigising din siya sa pagkakahimbing. Mahal na mahal siya ng pamilya niya.

Marahil, kung kaagad man siyang magising ay mahihirapan siyang tanggapin ang lahat nang nangyari. Ako man ang lumagay sa puwesto niya ay paniguradong ganoon din ang mararamdaman ko. I didn't know him personally. We were briefly introduced before, but that's it. Ni sa hinagap ay hindi ko inasahang sa ganitong paraan pa kami magkakasama ng prisipe.

Ethan was indeed a gorgeous looking guy. Aside from the fact that he is a prince, napaka-charming niyang tingnan kahit wala siyang malay. Kakatwang isipin na ganito parin ang epekto niya sa mga babae kahit na wala siyang ginagawa. Napahagikgik ako sa aking isipan. Hindi ko naman kayang itanggi nagkaroon din ako ng crush sa kanya dati.

I mean, who wouldn't right? He's the most eligible bachelor in the land. Lahat ng babae hindi lang sa bansang ito ang kinikilig kapag nakikita siya. I know. I've seen it. Every girl would probably kill just to be in my shoes right now.

I volunteered to help Gerard kahit sa ganitong paraan lang. Batid kong madami siyang inaasikaso hindi lang sa trabaho niya pati na rin sa pagalalay sa kapatid niyang si Liane. Alam kong nahihirapan siya sa mga nangyari sa kanila sa nakalipas na dalawang linggo at sa trabaho niya nilulugmok ang sarili niya.

Sa tuwing nagkikita nga kami at pawang pagod na pagod siya. Maybe that's his way of coping. Naiintindihan ko naman siya and all I could do was to be there for him every time he needs me. Hindi na rin ako nagde-demand sa kanyang ng quality time knowing what he have been through. That would be too evil of me if ever.

Napataas ang tingin ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Si Jessica Horecois kasunod si Mason at kay dalang paperbag. Sinenyasan niya ang mga guards niyang antayin na lang siyang lumabas at iyon nga ang ginawa ng mga ito.

Hindi ako kinibo ng chairwoman. Tinanguan lang niya ako at naunawaan ko naman. Sinamahan ako ni Mason papalabas ng silid.

I know there's something going on between the chairwoman and the prince pero hindi ko alam kung ano eksakto iyon. Kung naiba lang ang pagkakataon, this would be one of the biggest scoop that I'll ever have in my entire career. Tiyak na pagkakaguluhan ng mga tao ang balitang iyon.

It's two weeks since the first time na magpunta dito ang chairwoman. She demanded na kapag siya ang nandito, gusto niya ay siya lang ang nasa loob ng silid ni Ethan at ang magaalaga dito. I somehow understand her. Kahit na siguro sabihin pang ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao ay isang walang awang negosyante, iba siya pagdating sa prinsipe.

She truly cared for him, I can see that. Even though there's this barrier around her still. Pawang ayaw niyang mabasa ng ibang tao ang tunay niyang nararamdaman. Nararamdaman ko, baka nga mahal na niya ito. Hindi ko alam at ayaw ko ring manghimasok.

"Here." Inabot sa akin ni Mason ang isang cup ng kape. Agad ko naman kinuha iyon at nagpasalamat. It's two am in the morning pero hindi ko namalayan ang oras pagkat nalibang ako sa pagaalaga kay Ethan kahit hindi naman siya kumikibo kapag nagku-kuwento ako.

"You look sad." Puna ko kay Mason. Matagal ko nang napapansin iyon lalo na kapag magkasama sila ng chairwoman. Hindi rin ako sigurado kung gawa-gawa lang iyon ng imahinasyon ko.

"Yeah, It's sad. I never thought that this monarchy would end this way. What a tragedy. Not just for us, but for the people of Flademia." Malungkot na sabi niya. He was never like this before. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Dati kasi sa tuwing nakikita ko siya, lagi siyang may baong joke o pick-up line pero ngayon, siya ang mistulang apektado sa lahat.

Inakap ko siya. Tama siya. At gusto kong damayan siya sa pagluluksa niya. Hindi lang sina Gerard ang nawalan pagkat ang buong bansa rin. At ilang oras na lang ay mamamaalam na kami sa mga kamahalan sa huling pagkakataon.

Flademian Monarchy 2: Something Like You [COMPLETED] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon