Nerico Anderson

20 0 0
                                    

"Nerico gising na ,Aba Tanghali ka na aba,Kapag hindi ka pa diyan bumangon Malilintikan ka talaga sakin!" .Paggising at pananakot  ng aking pinaka mamahal na Lola.
Pupungas pungas man ay bumangon parin ako sa takot na aka hambalusn nanaman ako ng aking lola edi sira nanaman ang beauty ko umagang umaga.
Hindi ko pa pala naiintruduce ang self ko Hahaha,Sorry.
Okay ehem.ehem Ako nga pala si Nerico Anderson 17 years of age ,Living in the House of my Lola Cora. I'm proudly represent the beautiful city of Tagaytay pero hindi Doon ang Baler ko Kundi sa Probinsya ng Quezon .Type ko lang irepresent ang Tagaytay Maganda daw dun eh.
5.7 ang height ko ang weight ay nako never mind na muna.Ulila na ako since birth pero lola ko ang nag alaga at nagpaganda sa Mabulaklak kong buhay.
Hindi alam ng mga taga dito samin na isa akong Paminta kineme dahil sa natatakot akong mag release ng kagandahan Baka matalbugan ang mga kempers na mga ambers sa labas.HAHAHA!
Hindi ko alam kung Lalaki ako o Ehem babae kasi may mga times naman na nagkakagusto ako sa babae at madalas sa mga Pogi na may 6 packs .(Haaay nako Nerico lumalandi ka nanaman, Sigaw ng aking Konsensya)
Magaling akong makisama sabi ng mga kaibigan ko kwela ako kapag nasa mood lahat ng trip sasakyan.
May mga barkada akong mga lalaki na hindi alam ang tunay na ako kaya nga nakokonsensya ako eh kasi May crush ako sa kumpare ko pa.
Grabe diba? Sorry naman nagmahal lang naman si Ako. Ganto kasi ang nangyari kung bakit ako napabarkada sa kanila.
May Crush kasi ako sa.........
"Nerico ! Ano ba gayak ka na ba! Bumaba ka na rini! " Haaay si Lola talaga panira ng timing.
Pero napagpasyahan ko na ngang bumaba .Check muna ang sarili.
Uniform✔  Buhok ✔ Bag ✔ Salamin✔ Powder✔ The weapon for all the struggles ,Suklay ✔.
Ayan maganda na ako este gwapo ata, Nakakalito talaga sa Part ko .Kasura Guys.

Habang pababa na ak ng hagdan sa mumunti naming tahanan sinalubong ko si Lola ng isang Madubdubang Yakap sabay sabing "Good Morning La". "Anong Good Morning ka diyan Tanghali ka nanaman gumising nagpakalasing nanaman kayo ng mga barkada mo! Nako sinasabi ko sayo Nerico Makakatigil ka dito sa bahay !" Sabi niya habang iniiwas iwas ang Shanse sakin,Si ako naman parang Ninja kung makaiwas sa mga palo at hampas ni Lola.Ganto talaga kami maglambingan tuwing umaga Kaya sanay na ako at alam ko na ang mga direksyon ng Hampas ni Lola kaya mabilis ako makaiwas.HAHAHA.Wais ata eto .
Matapos mag ninja moves  ni Lola natahan din kami at  nagsalo sa hapagkainan ."Hmmm ,Ang bango ng luto mo Lola.Sinangag ,Sunny side up at ang Pinakabida sa lahat ang Hotdog na Paborito ko Tender Juicy With Cheese ,Salamat Lola Mahal na mahal mo talaga ako." Sabi ko kay Lola habang nag niningning ang aking bilugan at mapupungay na mata ." Che! Magtigil kang bata ka ,Nambobola ka nanaman.Akala mo dadagdagan ko Allowance mo,Hahaha Kapal! " Sabi ni Lola na may paghalakhak pa ,Tsk.Tsk si Lola talaga pabagets din minsan eh Kaya parang barkada lang kami kung mag asta ,Hahaha!
Pagkatapos kumain Nagpaalam na ako kay Lola Sabay hingi ng baon at diretso sa salaminan para makita muli ang Naggwagwapuhang si Ako,Maganda ba ako O Gwapo? Ay Nako,Nako Nerico Tsaka mo na sagutin yan malelate ka na.Sabi nanaman ng konsensya kong wala manlang suporta saking pagmumuni muni.
Tinignan ko ang aking rolex ,na mula pa sa bugtong na ang Relo ni leroy kineme.Shet! Late na ako sigaw ko sa sarili ko sabay karipas ng takbo uoang makalabas ng bahay ng walang iniisipi na kung ano kundi kung paano ako magpapaliwanag sa Bago naming prof. kung bakit ako late sa First day ng klase.
Huhuhu,Pray for me Guys,kayo na bahala kay Lola Cora ,Sa Barkada ko, Sa crush ko na kumpare ko,Sa Gf nya. Pwe.,Sa alaga naming pusa, Sa kapitbahay namin na Tsismosa ,Sa maniningil ng tubig at kuryente ,Sa mga Tambay sa kanto At sa lahay ng human being that living to this alice wonder  land.

GuiltWhere stories live. Discover now