TCC- CHAPTER SIX

85 11 3
                                    

-----
THE CHOSEN CARDS
CHESS PIECES BOOK 2
-----
CHAPTER 6
MISSING PIECES
-----

Onyx' POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tili ni Amber. Nakagawian nya nang maging alarm clock namin sa umaga.

Lumabas ako ng kwarto ko para sana sigawan sya ng makita ko ang itsura ng sala namin. Magulo ito. Nagtumbahan lahat ng gamit namin.

"What happened?" tanong ni Jasper.

"I don't know. Basta paglabas ko ng kwarto ko, ito na ang bumungad sakin." sagot ni Amber.

"Sila mommy?" tarantang tanong ni kuya Ivan at tumakbo papuntang master bedroom. "Fuck! They are gone."

"Nasaan sila?" tanong ni Jade.

"Baka na kila tita Regina o tita Lyka lang sila. Nakikipagchismisan." sabat ni ate Ivanna.

"Are you serious? Umayos ka nga ate." sigaw ko.

"Hindi umaalis sila mom at dad na hindi nagsasabe." saad ni kuya Ivan.

Tumunog ang telepono namin kaya sinagot ko ito dahil mas malapit sya doon.

"Hello!"

[Hello pre. Si Poging Storm to--]

"Ok! Bye!" Binababa ko ang telepono dahil wala akong panahong makipagbiruan sa kanya.

Muli itong tumunog kaya sinagot ko ulit.

"Kung wala kang masabing matino Storm wag--"

"Onyx, it's me Rain."

"Oh? Sorry! Abnormal kasi yang kambal mo. So ano yon?"

"Kaya nga e. Binatukan ko nga. Ayon nga, nandyan ba sila mama at tito? Wala sila dito e." saad ni Rain.

"Actually, yan din dapat ang itatanong ko. Wala din sila mama at papa dito."

"Fuck! Ok! Susunduin namin si Khat sa kanila and we will go there. Wala din daw sila tita sa kanila e."

"Ok! Hintayin namin kayo." Agad kong binaba ang telepono. "Wala din daw sila tita at tito." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila maging kay ate Ivanna.

-----

"So now, saan tayo magsisimulang maghanap?" tanong ni Storm. Magkakasama kaming sampu sa bahay namin.

"Mukha bang alam namin? Hello! Mag-isip ka nga." pangbabara ni Amber.

"Shut-up!"

"Guys! Look. Nakita ko to sa ibabaw ng tokador ko sa kwarto. 4839 ang nakasulat." sabe ni Khat.

"4839? Para saan yang numbers na yan?" -Jade

"Baka password. Isang password sa kung saan." -Jasper.

"May vault ba kayo sa bahay?" tanong ni Kuya Ivan.

"Wala! Kaya alam kong hindi para samin to." sabe ni Khat.

"Itry natin yan sa vault nila mama." suhestiyon ni Amber. Tumango kami at nagtungo sa master's bedroom.

-----

"Nagbukas sya." tili ni Amber.

"Hinaan mo ng boses mo. Nakakainis ka." saway ko.

"Susi? Para saan tong susi na to?" si Rain.

"May letter. Look o." saad ni Khat. Kinuha ito ni Kuya Ivan at binuksan.

Dear Sons and Daughters;

Hindi naman alam kung bakit namin ito binili. Pero ang alam lang namin ay kakailanganin nyo ito sa tamang oras.

Nangako kami noon sa isa't-isa na hindi namin ipapadanas sa inyo ang impyernong buhay na kinasadlakan namin noon. Pero mahirap palang magsalita ng tapos, dahil ayaw man naming mangyari ay talaga palang mangyayari din ito.

The Chosen Cards (Chess Pieces Book 2)Where stories live. Discover now