TCC- CHAPTER NINE

80 12 4
                                    

-----
THE CHOSEN CARDS
CHESS PIECES BOOK 2
-----
CHAPTER 9
THE WARNING
-----

Franzin's POV

Pinagmasdan ko walong trainee namin. Lahat sila, pagod na pagod at para bang hinahabol ang kanilang hininga. Well! Yan talaga ang inaasahan namin pagkatapos ang physical training nila.

"Guys? Nasaan pala si Nico?" tanong ni Onyx habang nakahiga sa sahig. Kitang kita ko ang dibdib nya. Ang hot talaga ng boyfriend. Yes! Boyfriend ko sya pero hindi pa alam ng lahat. Matagal na akong nililigawan ni Onyx at kailan ko lang sya sinagot. Nong sumali sila sa grupo. Matagal bago nya nakuha ang sagot ko dahil sa takot kong madamay sya sa panganib ng buhay ko.

"Pinaghanap ni Mr. F ng mabibilhan ng bagong armas. Kinulang kami dahil sa pagdating nyo." sabe ko hanggang inaabutan sya ng bimpo.

"Wait! May bago sa inyo." pansin ni Ivan. Paktay kang bata ka. Mukhang mapapaamin kami ng wala sa oras.

"Ayaw sana naming malaman nyo to sa ganitong sitwasyon. Pero guys, kami na ni Franzin. Kahapon lang." si Onyx. Nagpalakpakan ang lahat kahit na pagod na pagod sila.

Pero natigil ang lahat ng bigla may kung anong bumasag sa bintana naman. Ang tunog ng palakpakan ay naging tilian ng mga girls nang makita namin ang bagay na bumasag sa salamin. Unti-unti kaming lumapit nila Vince.

"Zingko?" mahinang untag ni Nicole. Nasuka na ng tuluyan ang mga girls. Pero kami ni Nicole, hindi na to bago samin. Ulo ni Nico ang nasa harap namin at sariwa pa ang dugo na nanggagaling bandang leeg nito.

"Guys, ilayo nyo na yan guys." sigaw ni Khat. Kinuha ni Vince ang ulo nito at hinarap sa walo. Lalong natilian ang mga babae.

"Vince ano ba? Punyeta ka naman e." sigaw ni Ivanna.

"Gusto nyong maging mafia diba? Dapat kayong masanay dito. Hindi pa ito ang makikita nyo." sabe ni Vince at parang hindi ulo ang hawak nya.

"Isa itong babala mula sa Dark Lords. May sulat na nakatusok sa bandang pisnge nya." inabot ni Ivan sakin ang papel.

"Tik... tok... tik... tok! Kaya nyo bang habulin ang oras at iligtas ang inyong magulang? Simple lang. Pumasok kayo sa Graveyard High." basa ko sa nakasulat.

"Graveyard High?" tanong ni Jasper.

"Isang eskwelahang na hawak ng Dark Lords. Puro gangster at Mafia ang nandoon. Meron ding mga anak ng mayayamang tao na gustong ipapatay. Ibig sabihin, literal na sementeryo ang GH." paliwanag ni Nicole.

"Papasok tayo doon?"

"Ano naman ang gagawin natin doon?"

"Sigurado akong may plano ang DL. Kaya dapat matapos na ang training nyo sa madaling panahon. Dahil hindi ka basta-bastang pumasok sa lugar na yon. Kailangan kaya mong ipagtanggol ang sarili mo." si Ivan.

Natahimik ang lahat. Hindi namin sila masisisi. Kahit kaming mga nauna sa kanila, hindi pa nakakapasok sa lugar na yon.

"Para kila mama." sabe ni Amber.

"Para kila mama/mommy." sang-ayon ng lahat.

Nakakatuwang mabilis ang pagbabago nila sa nakalipas na ilang linggo. Naging mas matatag na sila at mas matapang. Sana lang ay kayanin na namin ang anumang plano ng Dark Lords  Kundi, wala nang makakalabas samin doon.

-----

Amber's POV

"Oh? Saan ang punta mo?" tanong sakin ni Ate Ivanna nang magkasalubong kami sa hallway.

"May pupuntahan lang kami ni Topher." sagot ko.

"Topher?" ay! Tanga mo talaga Amber. Hindi nga sya kilala ni ate Ivanna.

The Chosen Cards (Chess Pieces Book 2)Where stories live. Discover now