Chapter 4✓

12.1K 165 4
                                    


Saya's POV,

Dahil sa masipag ako, naghugas na ako ng pinag kainan namin tutulungan na nga sana ako ni Manang kaso sabi ko okay na.

And worst akala niya daw girlfriend ako ng amo niya, sana nga basta palitan lang ang ugali, nakita niya kasi na buhat-buhat ako ng amo niya.

Sana gising ako. Ang halay mo Saya.

Nako po! Save me from temptation!

Ayon na nga dahil tapos na ako sa ginagawa ko lumabas na ako kasi daw hinihintay na ako ng bossing nila, pero promise ang gwapo niya.

Nakita ko siya sa tabi ng pool naka upo, ang ganda ng likod. May sex appeal ang isang to, ma pagnasaan nga. Ilan kaya ang abs niya, anim siguro.

Hmmm, pasensya na ha. Babae lang po.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya yung mga kamay ko sa unahan pa, pa sway-sway pa ang katawan ko habang lumalapit sa kanya.

Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at tinuro ang katabing upuan, syempre umupo naman ako with matching smile pa, maganda naman ang ngipin ko no.

"Huwag kang ngumiti jan, hindi bagay sayo!" biglang saad niya sa akin, wala na ngang epekto ang charms ko ngayon kailangan kung mag recharge. Umayos nalang ako ng upo at tumingin sa kanya. Wala ka ng kawala Saya. hindi mo na malulusutan ang utang mo! Sigaw ng brain ko. OO NA!

"Ano na ang pag-uusapan natin Mr.gwap- I mean mister pangit?" tanong ko sa kanya, napa taas naman ang gilid ng labi niya. Magkarugtung kasi ang bunganga ko at ang utak ko, kaya kung ano ang iniisip ko minsan sinasabi ko na. Nako naman.

"Since malaki ang utang mo sa akin kailangan mo ng mas maayos na trabaho." saad niya, aba confident pa siya sa mga pinagsasabi niya.

"So? Edi maghahanap ako!" sagot ko sa kanya, syempre ako pa hindi ako magpapatalo sa kanya no. Kahit buhay niya bibilhin ko. God! I'm a sinner, looks like I desire a man like him.

"I'll give you a job para mas mabayaran mo ang utang mo crazy lady!" saad niya sa akin, napataas pa ang sulok ng labi niya.

Wew. Ang hot! Sheta! 🎶OH TUKSO LAYUAN MO AKO!🎶 Nako nagiging green minded na ako, kasi naman. Ang hot niya sobra, sana ang trabaho ko yung sa bahay lang, game ako jan dude.

"At ano namang trabaho ang ibibigay mo sa akin? Kasambahay?" tanong ko sa kanya, aba pakipot mo na ako para mas feel.

"Simple lang magiging secretary kita kahit kailan ko gusto. lahat ng iuutos ko sayo gagawin mo, at palagi kitang kasama. May pinag-aralan ka naman siguro kaya alam mo kung paano maging secretary?" sunod-sunod na saad niya sa akin, at ano daw? Secretary? OMG! Papayag ba akong maging secretary niya? Sheta naman oh.

"Seryuso ka ba? Secretary? AKO? Kahit kailan mo gusto?" sigaw ko sa kanya, naka dukwang pa ako sa lamesa habang naka harap sa kanya. Chansing to brad. makalapit man lang ako sa gwapo niyang mukha.

Napaurong naman ako ng itampal niya sa mukha ko ang kamay niya kaya napaupo ako sa bangko, mahina lang naman kaya hindi ako nasaktan.

"Pwede ba huwag mong ilapit ang mukha mo sa akin nawawalan ako ng ulirat sa sayo eh, tsaka seryuso ako sa sinabi ko na maging secretary kita kung ayaw mo sa kulungan ang bagsak mo. My decision is final. take it or leave it?" saad niya lang sa akin at ano daw? Nawawalan ng ulirat ang ganda ko siguro. Kukunin ko ba ang alok niya? Ayaw ko naman makulong no, wait ano ba ang pangalan nito?

"Ahhm Sir, alam ko naman na maganda ako kaya nawalan kayo ng ulirat at pagkatapos ano po ba ang pangalan mo?" natatawang saad ko sa kanya, sabay kindat pa gwapo ni Sir.

"William Grey Smith and stop staring me!" sagot niya ang ganda naman ng pangalan pero shit! OMG! Kailangan kung mag ingat and what a coincidence?

"Ganda ng pangalan mo ha and I'm Sayanara Lewis. Sir, yes Sir! tinatanggap ko ang offer mo." sagot ko with smile pa with matching kindat-kindat pa.

"Good, kunin mo ang mga gamit mo mag resign kana at lumipat dito. You will stay here! Understand?" saad niya at tumayo, tumango naman ako. Wala na tong urungan. Medyo mahirap to ha sabihin ko nalang kaya, sabihin ko nalang para aware siya na alam ko.

"Ahmm Sir gusto ko lang po sabihin na alam ko po kung ano kayo. Huwag po kayong mag alala wala po akong pagsabihan. Ikaw ang Mafia Boss, narinig ko lang naman po sa mga kasambahay niyo." nakayukong saad ko kailangan ko tong gawin para aware siya na alam ko, narinig ko lang naman kanina sa mga kasambahay niya nag aabang ako na baka barilin na ako pero wala napatigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Katakot.

"Just keep your mouth close and don't fucking speak! Para wala tayong problema! Umuwi kana sasamahan ka ng bodyguard ko para kumuha ng mga gamit mo." saad niya at tuluyang umalis, akala ko galit will malalaman ko naman kasi secretary niya ako napa aga nga lang, ngumiti pa ako.

"Okay po Boss, black and white equals Grey!" natatawang sigaw ko sa kanya with matching kindat-kindat pa, napabalikwas naman siya at matalim akung tinitigan nag peace sign naman ako galit si Boss black and white equals grey, tahimik lang.

Ayan naiwan na ako dito, simula sa araw na to iba na ang trabaho ko para mabayaran ang utang ko. Ano kaya ang aabutin ko na sermon kay Saki? Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

Maka uwi na nga muna, para maligpit ko na ang mga gamit ko at makalipat na ako dito.

The Mafia's: Sinful Desire (Series1) COMPLETED IN DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon