TFBBAM 2-NEW FRIEND

1.7K 38 1
                                    

Alvin's POV

Lakas talaga mangtrip ni EJ oh.Pati panget pinapatulan.Talaga naman oh.

Habang naguusap kami ni Anthony eton namang babaeng pinagtripan ni EJ patuloy sa pakikinig.Pinaggitnaan kasi namin sya.

"Class dismissed"sabi nung teacher namin.Agad kami tumakbo palabas ng room.

Habang naglalakad kami papuntang tambayan biglang nagtanong si Anthony.

"EJ,trip mo ba talaga yung babaeng yun?"-Anthony."Baka mamaya mafall ka dun ah"-Joseph.Halatang nainis si EJ sa sinabi ni Joseph.

"Wag nyong pagtripan yan si EJ baka mamaya pagpunta nyo ng room duguan kayo nyan"sabi ko.Nagiging dragon slash tigre slash titan kasi toh si EJ pag nagagalit eh.

Nagpasya na lang kaming mag cutting wahaha ganyan ang badboy slash pogi may mga sariling rules.

Denise POV

Ang sarap sipain nung Ethan na yun kung pwede lang talaga pero baka magkapira-piraso lang ang katawan ko huhuhu ayoko pang mamatay.Ayyy masyado na kong OA ah.Hayss bayaan ko na nga lang sila wala akong pake sa kanila.Tumila na run, ang ulan kaya nagdesisyon along pumunta muna sa canteen.

Naglalakad ako papuntang canteen nang may makabangga akong babae.

"Ay sorry miss"sabi nya.Teka bakit parang di nya ko inaasar."Amm okay lang po yun"yun lang yung nasabi ko."Ah miss anong pangalan mo?"hala nagtanong sya ng pangalan ko."Denise Madrigal"sabi ko.Im Cheska Cortes"pagpapakilala nya. "San ka pupunta?"bigla nyang tinanong."Ah sa canteen lang"sabi ko naman."Tara samahan na kita"tumango nalang ako.Pagdating namin sa canteen,pinagtitinginan nanaman nila ako ay si Cheska pala.

"Hala bakit may kaibigan si Cheska na panget grabe sya"

"Oo nga ang pagkakaalam ko mga maganda lang tulad natin ang mga kinakaibigan nya"

Oh edi kayo na maganda.Talaga naman oh."Wag mong pansinin yang mga yan wala lang silang magawa"sabi ni Cheska habang kumakain ng burger."O-ok"hala bat nauutal ako."Hindi ka pa ba sanay na may kaibigan?"tanong nya."Ah minsan lang kasi may makipagkaibigan sakin eh"sagot ko."Ohhh ganun ba?"sabi nya sabay inom ng softdrinks in can."Ah pupunta na ko sa room ah may mga di pa kasi ako natapos na seatwork eh"paalam nya."Ok"tipid kong sagot.

Tumayo nako at lumakad na papuntang room nang may makabanggaan ako.

"Ouch!"nauna yung pwet ko na bumagsak.Ang sakit.

"Ayy sorry miss"hala,bumibilis tibok ng puso ko.Pamilyar boses nya.

Inangat ko ang ulo ko at nanlaki mata ko ng makita ko si Anthony??OMG hala nakatingin lang sya sakin at inabot ang kamay nya."Tara!tulungan na kitang tumayo"sabi nya.Nagdadalawang isip ako kung iaabot ko ba o hindi yung kamay ko.Iaabot ko na sana ang kamay ko ng may tumawag sa kanya.

"BRO!!!!"narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalake gusto kong manapak.

Napatingin sya sakin at agad naman akong tumayo.

"Ah salamat kailangan ko nang umalis"sabi ko sabay tingin kay Anthony at nakangiti sya sakin.

The Four Badboys And MeWhere stories live. Discover now