Episode 52 || Sweet Escape

9.5K 187 21
                                    

Author's chuchu:

                    Before ang wedding ni Mom.. tatapusin ko nato.. pero happy ako sa kanya.. and happy ako na okay na sila ni Dad.. i know.. hindi ito ang end ng kanilang love story.. it's just the BEGINNING of Epic Love Story.

                    Tnx sa walang sawang support nio sa BEAUTIFUL DISASTER..! tnx guys. I love u All.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang minuto ang nakalipas, pero nanatiling nakaupo sila ni Vice sa Sofa, ni isa sa kanila walang lakas loob na magsalita, lalo nang nasa harap nila ni Vice ang kanyang Ama.

                Nalingon nia si Vice, nakayuko ito, kahit malaki ang agwat nilang dalawa ay alam niang kinakabahan ito, dahil sa maliliit na butil sa noo nito at ang walang humpay na kuyakoy ng tuhod.

                Maya-mayay biglang tumayo ang kanyang ama.

                “AnaKarylle, were going home..” wika ng kanyang ama, may bayad na galit ang boses nito.

                “But dad—“

                “Enough!..” tila kulog na wika ng kanyang Ama. “Uuwi tayo..” utos na wika nito.

                “S-Sir..”

                Nilingon nia si Vice, nakita niang nakatayo na rin ito at nakatingin sa kanyang ama.

                “Sir, Mahal ko po ang anak nio..m- malinis ang intension ko sa kanya..”

                Lalong dumilim ang anyo ng kanyang ama na kinatakot nia.

                “hindi sia bagay sayo!”

                “Dad..”

                “.. di sia bagay sa mundo mo!..Bakla ka..umiibig ka sa kapwa mo lalaki.. at alam kong darating ang araw  iiwan mo rin ang anak ko..” patuloy ng kanyang ama.

                “Dad.. iba si Vice.. mahal nia ako.. mahal namin---“

                “Nagmamakaawa ako.. hayaan niong mahalin ko ang anak nio., gagawin ko ang lahat---“

                “Vice..”

                “Magbabago ako para sa kanya, ipagluluto ko sia, ipaglalaba, pagsisilbihan.. just please.. payagan nio ho kami..”

                Di malaman ni Karylle kong anong gagawin nia, napapagitnaan sia sa dalawang lalaking importante sa buhay nia.

                “If u really love her then Prove it to me.... Ibalik mo si Anakarylle sa aming tahanan. At lalayuan mo sia..” pagkatapos ay walang lingon-lingong lumabas ito ng condo.

                “Go home K..” wika ni Vice pagkatapos lumabas ng ama sa pinto.

                Marahas niang nilingon si Vice. “So that’s it?? Porket ayaw ni Dad sa relasyon natin, ay ayaw mo narin?"

                Pabagsak itong umupo sa sofa at napahilamos ng mukha.

                “Vice..” untag nia rito.

Beautiful Disaster || Untold Stories || Vicerylle StoryWhere stories live. Discover now