LAURREN SANTIAGO written by GreenDutches
DATE STARTED: MARCH 19,2014
LAME. HAHAHA. HINDI AKO MARUNONG MAG THIRD PERSON. WAAAH! PAGTSAGAAN NIYO NA! HAHAHAHA. THANKYOU POWX!
-
Muli niyang tinignan ang orasan na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado alauna na ngunit wala pa din ang taong kanina pa niya iniintay.
Pilit niyang iwiniwiksi sa kanyang isipan ang posibilidad na may masama nang nangyari dito. Iniisip pa lang niya ay sobrang pagaalala na ang bumabalot sa kanya, lalo na siguro kung nangyari na iyo.. Hindi niya kaya.
Sinarado niya ang kanyang mga mata.
His office was just ten minutes drive from here.
Kanina pang alaskuwatro tumawag ang sekretarya nito na nakaalis na daw ang amo. Napatingin siya sa lamesang kanina pa nakahanda. Ubos na din ang kandilang kanina pa niya sinindihan na nakalagay sa gitna ng lamesa, umaasa na darating ito ng mas maaga sa inaasahan.
Napailing siya. Hindi dapat siya magreklamo. Ginusto niya ito. Kaya panindigan niya.
Sa ika-dalawamu't walong pagkakataon ay tinangka niyang makausap ito sa pamamagitang ng telepono ngunit hanggang pagtunog lang sa kabilang linya ang naririnig niya. Umaasa na maririnig niya ang boses ntio sa katunayang ayos pa ito at walang masamang nangyari dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/13327593-288-k174364.jpg)
YOU ARE READING
Unloved: Laurren Santiago
Non-Fiction"Kung pagiging tanga ang meaning ng pagmamahal. Sige na nga, nagmamahal na ko." - Laurren Santiago