PROLOGUE:
Notebooks? check!
Ballpen? check!
Pagkain? check! check! check!
Balik eskwela na naman. Excited lahat ng mga estudyante sa pagpasok dahil sa mga bago nilang gamit.
Kung sila masaya, pwes ako hindi. Siguradong ako na naman ang laman ng tawanan sa pagpasok ko sa klase. Ganun naman lagi. Hindi nabubuo ang isang araw nang walang nambubully sakin.
Ako nga pala si Cassie. Pero madalang mo lang na maririnig na tawagin ako sa pangalan ko. Madalas kasi tawag sakin ng mga kaklase ko "Taba", "Tabz", "Dabiana", "Bachoy" at ang pinakamasaklap sa lahat ng pantawag ay "BABOY".
Oo alam ko mataba ako pero excuse me, tao parin po ako kaya please naman respeto lang dyan.
Sa klase namin, iisa lang ang natatangi kong kaibigan, si Tina. Kung gaano naman kalaki ang katawan ko ay ganon naman siya kapayat. Kung ako lang din ang papipiliin, hahayaan ko nalang na ganito ang katawan ko kesa naman magmukha na akong tingting sa payat.
Kami ni Tina ang palaging sentro ng pambubully sa klase. Actually dapat ako lang, nadadamay lang ang kaibigan ko sakin. Lalo na sa mga antipatikong mga lalaki kong kaklase.
Nangunguna na dyan si Ken na may hitsura ngunit saksakan naman ng kayabangan. Siya ang palaging nambwibwisit sakin at naninira ng araw ko.
YOU ARE READING
Size Doesn't Matter
Teen FictionDahil sa katabaan, si Cassie ay laging laman ng pambubully sa kanilang klase lalo na kay Ken. Si Ken ang kaklase niyang bagaman may hitsura ay saksakan naman ng kapangitan ang kanyang ugali. Araw-araw niyang inaasar si Cassie na siyang pagsisisihan...