Chapter 1

536 12 6
                                    

A/N: Para to sa baby girl ko. Ading Jenirose I dedicate this to you. 

Before I start, to all the readers... please don't get confused as to whose point of view I'm referring to. I decided not to include it now and then. But I assure you, you can easily identify the characters. Have fun!

_____________________________________________________________________________

"O-M-G! Alas otso na! Mamang drayber wala na po bang ibibilis itong pedicab niyo?" pagmamadali ko sa mama habang pilit kong isinisiksik ang aking katawan sa pagkaliit-liit na pedicab niya.

"Eh miss, sa bigat mo ba namang yan, malamang bibigay na itong pedicab ko bago pa kita maihatid." patawang sagot ng mama.

"Hoy manong! Iniinsulto mo ba ako? Ha?" pasigaw kong sinabi sa kanya.

"Totoo naman ang sinasabi ko miss. Tignan mo itong gulong ko, flat na!" galit naman niyang isinumbat.

"Aba! Aba! manong, sumosobra kana ha. Hindi porke mataba ako, ako na agad ang sisisihin mo sa pagkaflat niyan! Itigil niyo na nga, bababa nalang ako!"

Biglang nagbreak ang pedicab at muntik nang sumubsob ang mukha ko sa bakal. Binayaran ko siya at bumaba na ako.

"Tama yan miss, maglakad ka nalang para naman mabawasan yang taba mo!" tumatawang sinabi sakin ng mama.

"Bastos!" bulalas ko nalang.

Lagot talaga ako nito. Late na ako sa unang subject ko. Kailangan ko nang simulan ang pagtakbo.

Grabe hingal na hingal ako nang makarating sa school. Buti nalang may baon akong tubig at may tsokolate pa pala! Tamang tama dahil gutom na ako.

Pumasok ako sa classroom habang kumakain. Sa likod na pintuan ako dumaan para hindi ako mapansin. Kaso sa laki ba naman ng katawan ko, kahit yata nakatalikod silang lahat, mamamalayan parin nila ang pagpasok ko.

Pagkatapos ng klase...

"Cassie, bat ka late kanina?" tanong sakin ni Tina.

"Nako, mahabang kwento. Dahil yon sa isang pedicab drayber na ubod ng kabastusan" sagot ko nalang sa kanya.

Nang palabas na ako sa pintuan, nakasabay ko si Ken at hindi sinasadyang nabunggo ko siya at nauntog siya sa pader.

Lumapit ako sa kanya at humingi ng paumanhin.

"Ken sorry, hindi ko sinasadya,"

"Pano naman kasi, ang taba-taba mo! Kahit yata mag-isa ka lang halos hindi kana magkasya sa pinto." galit niyang isinagot sa akin.

"Grabe ka naman, nagsorry na nga ako tapos ang sungit mo pa!"

"Magpapayat ka nga kasi! Mukha kang baboy!"

Dahil sa tindi ng panlalait niya sakin, nasuntok ko siya. Lumapit sa akin si Tina at inawat niya ako.

"Tara na Cassie!" at saka hinila niya ako papalayo.

Habang naglalakad kami ni Tina pauwi...

"Alam mo Tina, dapat hindi mo ako pinigilan. Kulang pa yung isang suntok sa kanya."

Natigilan siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Cassie, kilala mo si Ken. Wala talagang galang yung mokong na yon. Kahit mga babae pinapatulan niya."

"Kaya nga dapat hinayaan mo nalang akong bugbugin siya!" sabat ko naman.

"Anong gusto mo? Hahayaan kitang suntukin din niya? Lalaki yun. Paano kung resbakan ka? Hindi nga natin alam kung anong mangyayari bukas eh. Sigurado ako gagawa siya ng paraan para makaganti."

Tama si Tina. Dapat akong maghanda para bukas. Siguradong gaganti si Ken sa kahit anong paraang maisip niya.

Size Doesn't MatterWhere stories live. Discover now