CHAPTER 9

2.2K 13 0
                                    

CHAPTER NINE

Halos panoorin na si Kaytie ng mga nakakakita sa kaniya dahil sa mga aksyon niya habang sinisigawan si Dylan mula sa malayo na kasalukuyang kumukuha ng tyempo na ibigay ang sulat na inihanda nila for the last few days.  “Sige! GO!” 

Biglang umatras si Dylan at nagmadaling tumakbo papunta sa tinataguan niya.  “I cant do this”  mahingal-hingal na sabi nito.

“What? Ngayon pa at nakahanap na tayo ng perfect piece? yan na ang pinaka corny na letter na nabasa ko!”

“That’s my point.  This is the corniest letter I’d ever read and, I can’t give her a letter like this”  napansin niya na seryoso ito sa sinabi.

“Naman!” napakamot siya ng ulo.  “So anong gagawin natin?”

“Can we just do something else?” anito

Ikinalat ni Kaytie ang kaniyang paningin. Nagbabakasakali siyang makakita ng ibang paraan na pwede nilang gawin.  Nahagip ng paningin niya ang isang bulletin board na ilang metro lamang ang layo sa kanila.  “Okey. Here I have an idea” hinila niya ito palapit sa bulletin board. “Diba fame lover si Janice?” tanong niya dito.

“Absolutely” pag-sang ayon nito 

“Good! I think this idea will be perfect”  kinuha niya ang isang bond paper na naka post dito.  At ipinakita ito kay Dylan.

Madali nitong nabasa ang 72 font size na ‘Mr & Ms. Campus 2011’ na nakasulat dito.  Isang mabilis na pag-iling ang ibinato niya kay Kaytie.  “No way!”

“Anong no way? This is the perfect chance Dylan.  All you need to do is to become famous and here, this is your way to stardom”

“I’m sorry but this is not my thing” kinuha nito ang post at ibinalik sa pagkakadikit sa board.

“Teka nga lang. Do you really want this girl?”

“Hell yeah!  From the very first time I saw her”

“So what’s wrong with joining? if that’s the most possible way para mapansin ka niya?”  halos mabatuk-batukan na niya ito.

“But this will not give me a hundred percent na mapapansin niya nga ako”

Nahalata nito na nairita si Kaytie sa sinabi nito. “Hundred percent? Ganyan ka ba talaga? Play safe?” iritang sabi niya pero hindi ito umimik.  “KanIna sa letter naiintindihan pa kita eh dahil I know that boys hates being too corny pero GOSH! Not this time.  Kailangan mo namang maghirap para sa gusto mo”

“Bakit ikaw? Do you experience na maghirap for the one you love?” tanong niya dito.

“Kung alam mo lang kung gaano ako naghihirap”

Naintriga siya sa narinig mula rito.  “You mean my special someone kana?”

“Hey don’t you make this about me. so ano? Remember fame lover si Janice”

Hindi na makaisip ng idadahilan si Dylan dahil may point naman ito and he realized that she was right. Hinablot niya ang post. “Oh sa auditorium daw ang audition” aniya

Nakita ni Dylan ang ngiti sa labi ni Kaytie nang marinig na sasali na siya. May naramdaman siyang tila koryente ng makita niya ang matamis na ngiti nito.  Pero paiwas nalang siyang naglakad paalis.  Kung Alam mo lang. I am doing this just for you! Sa loob loob niya.

Itinulak niya si Kaytie nang makarating na sila sa auditorium para mag-sign up sa list ng sasali.  “Paki sign-up nalang ako. Please” nahihiya kasi siya.  This is his first time to join competition na hindi cooking show.

Teenage Love Affair (Complete Story)Where stories live. Discover now