Ehem

181 4 0
                                    

Para Kay... Ehem!


Ang bilis ng panahon no?

Dati magkachat lang tayo,

Ngayon parang hindi na tayo magkakilala.


Pero ito parin ako,

Dinadaan lang sa paghugot,

tulad ng kung paano mo ako daan daanan lang na parang hangin.


Minsan kinakausap ko ang sarili ko,

Nagseselos ka ba?

May kayo ba?


Nagsimula lang sa papalit palit ng nickname sa messenger,

Sa pagset pa ng heart emoji,

Pero sa huli mareremoved rin naman.


Alam ko, mahirap umasa sa wala.

Pero mas mahirap umasa sa parang meron.

Pinahulog at pinaniwala mo pa ako na seryoso yun.


Pero salamat, salamat talaga.

Ilang buwan na rin ako tulog sa katotohanan,

At mismong katotohanan pa ang gumising sakin.


Ngayon ko lang narealize,

Panget ka, Bakit ba ako nagkagusto sayo?

Bobo ka pa, at hindi marunong mag-aral.


Kapal mo na paasahin ako ha!

Ngayon, Maglaway ka!

Maglaway lang, dahil hindi mo na ako mapapaasa ulit. 


Ehem!



Hugot QueenWhere stories live. Discover now