Joke Entry #86

9.8K 291 25
                                    


Isang gabi, si Juan at Pedro ay nagnakaw ng bayabas at napagkaisahan na paghatian ang nakuha sa sementeryo para walang makakita sa kanila.

Habang paakyat sila ng gate ng sementeryo ay may nahulog na dalawang bayabas.

Pedro: Juan, juan may nahulog na dalawa

Juan: Hayaan mo na, balikan nalang natin mamaya yung nahulog.

Nagpatuloy ang dalawa sa loob at pinaghatian ang nakuhang bayabas.

Juan: Isa sayo... Isa saakin... Isa sayo.. Usa saakin...

Samantalang papauwi si Kulas galing sa inuman at lasing na lasing at nagkataong sa sementeryo ang daan nya marinig nya ang boses ni Juan...

Juan: Isa sayo.... Isa saakin... Isa sayo... Isa saakin

Nang marinig ito ni Kulas ay halos mawala ang kanyang kalasingan at nagtatatakbo papuntang simbahan

Kulas: Pader...! pader...!

Padre: Oh anong nangyari sayo Kulas parang nakakita ka ng multo?

Kulas: Sumama po kayo saakin sa sementeryo pader.. Narinig ko po kasi si kamatayan na pinaghahatian ang mga pataay!

Takot na saad nito..
Dahil nga sa gustong malaman ng pari kung totoo nga ang sinasabi ni Kulas ay sumama ito sa kanya.

Nang nasa gate na ng sementeryo ang dalawa, narinig nga nila ang boses na may pinaghahatian

Juan: isa sayo.... Isa saakin... Isa sayo.. Isa saakin..

Kinabahan at nagsitayuan ang balahibo ng pari at hindi sya makapaniwala sa narinig kaya pinakinggan pa nila ng mabuti at medyo lumapit sa gate ang dalawa

Juan: Isa sayo... Isa saakin... Oh last na 'to ah? Isa sayo... Isa saakin..

Pedro: Ha? Anong last na?! Eh paano yung dalawa sa gate?

Pader: Kulaaaasss...

Kulas: Ano yun pader?

Pader: Tara naaaa! Takboooooo!

………………………………
Joke shared by: AkiraYuzumi

Na-LSS talaga ako dun sa line ni Juan na "isa sayo, isa sakin.." e. LSS o LWS?  Long joke so far

Eto uli yung question
Question: Anong fav. Pizza ko?

(walang maitanong eh) hahaha.

Message board po mga prends or sa Private Message ^.^ Hahaha

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now