{004} Tutorial: Pencil Sketch Effect

928 12 6
  • Dedicated kay Sa mga graphic editors na hindi marunong nito.
                                    

Tutorial #1: Pencil Sketch Effect (For Photoshop CS6 Only.)

Step 1: Mag-open ka ng image na gusto mo. Para magawa natin ang sketch effect, ang unang-una nating gagawin ay kunin ang lahat na kulay na nasa image natin. At magagawa natin yan sa pamamagitan ng paggamit ng Hue/Saturation adjustment layer. Sa Adjustment panel, click mo yung Hue/Saturation icon.

Step 2: Diba na-click mo na yung Hue/Saturation icon? May nakita ka bang Hue/Saturation 1 sa layers panel? Kung may nakita ka, edi maganda. Bumalik ka dun sa Properties Panel ng Hue/Saturation, para mawala ang lahat na kulay sa imaheng pinili mo i-drag mo ang Saturation slider all the way pa-kaliwa(left) sa value na -100.

Step 3: Nawala na yung kulay ng imahe diba? Naging Black & White ito. Then, go back to the layers panel, i-click mo yung Background Layer, i-duplicate mo ito, go to Layer > New > Layer Via  Copy, or click Ctrl+J for a faster way. Wala naman nangyari sa Image right? Dapat ang Background Copy Layer ay nasa pagitan ng Hue/Saturation at Background Layer, gets?

Step 4: Next, we have to invert the layer. Go up to the Image Menu at the top screen, choose Adjustments, then choose Invert, or press Ctrl+I on your keyboard for shortcut. Kapag naging film negative appearance siya, it means Invert na sya.

Step 5: Change the Layer Blend Mode to Color Dodge. Convert the Layer into Smart Object. Pindutin mo ang Triangle na naka-upside down na may katabing horizontal lines na  nag-foform na parang hagdan, nasa pinaka ibabaw ito ng Layers Panel. Pindutin mo iyun at piliin ang Convert to Smart Object

Step 6: Apply the Gaussian Blur Filter. Filter > Blur > Gaussian Blur, pagkatapos mong pindutin yung Gaussian Blur may biglang lalabas na dialog box, i-drag mo ang Radius Slider papuntang kanan(right) para ma-apply yung blur. Tignan mo mabuti ang imahe habang dinadrag ang Radius Slider, diba parang nagiging sketch siya? Wag mo lakihan ang amount, liitan mo lang. Ang sa akin, yung amount na ginagamit ko ay 12.0 lang, pero dipende sa iyo yun basta mukha syang sketch, pwede ding below 12.0, basta mukha siyang sketch. Pag nakuha mo na yung tamang amount na gusto mo, click OK.

Step 7: Add a Levels Adjustment Layer. Nakagawa na tayo ng sketch effect, pero masyado itong light, diliman natin ito. Pumunta sa Adjustment Panel at i-click ang Levels icon. Pagkatapos i-change mo ang Blend Mode to Multiply, kung nasobrahan naman ito sa dilim, liitan mo yung opacity pero kung hindi naman masyadong madilim, okay na, wag mo ng liitan ang opacity dipende kasi yan sa picture.

Step 8: I-duplicate mo uli yung Background Layer, pumunta ka sa Background Copy 2 i-rename mo ito na "Color", i-drag mo ang layer na'to sa pinakataas, tsaka i-change mo ang Blend Mode to Color, then lower opacity. So, ayan na may Pencil Sketch Effect ka na.

Rate and Vote if this tutorial is useful. Kung may katanungan kayo, just comment below o di kaya PM me. - Seejie.

Seejie's Note: Hi po, itong tutorial na'to ay kinopy-paste ko lamang sa Random Sheets ko, kaya kong naghahanap po kayo ng mga other tutorials, freebies, and stuffs. You can go to my profile and visit my Random Sheets. Una po kasi ako dun nag-popost ng mga tutorials, or pwede ding sabay, basta visit din kayo dun anytime.

Tsaka, teka lang pala! Sinong gusto ng Bae Suzy PNG Pack? Just go to my Random Sheets (Click external link.) and pwede ka nang humingi, mag-comment ka lang dun, bibigyan kita agad. :)

Yun lang, bye! =)

Tutorial CornerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon