{005} Humor Genre *Tips

838 22 2
                                    

Hindi pa ito tutorial. Sa susunod na yun, since yung covers yung priority ko. Kina sparky at Seung Ji kayo humingi. lol. ;3  papaalala ko lang sanyo, hindi ako expert or professional. ito ang tips from experience. loljk.

1. Background

- for the bg. u can use cute patterns na pwede mong makuha sa tumblr, weheartit, or deviantart. uso ngayon ung doodle or scribble na background for humor na covers. pwede mo siyang kuhanin sa google lang then lapatan mo ng kulay. paano ba gumawa ng doodle/scribbles na bg? 1st, kumuha ka ng kahit anong doodle sa google basta black and white yung picture. then i-open mo lang siya sa photoshop. gumawa ka ng new layer saka mo patungan ng kulay na gusto mo. then yung layer para sa color i change mo yung mode from normal to screen or try mo din i-experiment. ayun may background ka na. kung gusto mong mas simple na background. lagyan mo lang ng polkadots na pattern, madaming ganun sa deviantart. basta ang payo ko lang sa background for humor, pumili ka ng texture na naayon sa cover.

2. Characters

- sa characters naman. humanap ka ng posing nila na naayon sa genre. humor diba? dapat nakangiti, masaya o tumatawa. unless ang description ng character ay masungit, edi masungit na pose ang ilalagay mo. facial expressions do matter. wag kang maglalagay ng mga naka-poker face lang. o kaya yung umiiyak na pose or something. alam mo na yun, lol. 

- sa character placing naman. try to experiment. kung kelangan mo pagbalibaliktadin yung pictures para maging 'unique' ang cover mo. gawin mo. 

3. Fonts

- dafont.com. madami diyang magagandang fonts. dun ka pumunta sa fancy na section tapos yung comic or cartoon. so sa humor syempre mas maganda kung yung font na gagamitin mo ay yung cute bang tingnan na font. yung medyo mataba na hindi masyado formal yung pagkakaayos ng letters. basta. hirap i-explain lol. tas experiment din. kunwari sa cover mo ang title ay 'tutorial corner' ibang font sa 'tutorial' iba din sa 'corner'. sa subtitles and watermark mo dapat cute na font din ang gamitin. tas yung font color, somehow dapat connected siya sa background o sa buong cover. for example kulay pink yung damit nung character mo. tas ang background ay yellow. so pedeng yung 'tutorial' different shade of pink, tas yung 'corner' different shade of yellow.

4. Color Scheme

- sa humor, syempre dapat colorful. as much as possible don't use dark colors para sa cover mo. magmumukha siyang 'angst'. so ito yung madalas kong ginagamit na colors. 'yellow' 'pink' 'light blue/sky blue' 'lavander/violet' 'light green' 'orange' ayan try mo pagsamahin yung mga kulay. experiment. kunwari yellow ang pinaka color scheme mo.. with a touch of pink and blue. basta be creative.

5. PSDs / Colourings

- una. ano ba yung psds or colourings? para po syang pang filter ng pictures. effects ba. sa deviantart or tumblr, pede ka dun mag download. kung gusto mong magbalance ang kulay ng cover mo, use this one. it also helps na mas maging matingkad ang kulay ng cover mo. but wag masyado gumamit ng napakatingkad na colourings, wag din yung dark. yung tama lang.. yung light lang.

6. Other Designs

- so ano pa nga bang ibang tips para maging cute ang cover mo? uso din ngayon yung bubble head / big head. yun yung mas malaki yung ulo ng characters kaysa sa katawan. kaya nagiging cute. lol. next tutorial nalang kung pano yun. mukhang gumagawa na ng tutorial ung kasama ko tungkol dun so shut up muna ako. lol. you can also put pngs sa cover mo. madaming ganun sa deviantart. basta be creative. kunwari ang theme ng cover ay bakla yung guy. lagyan mo ng flower sa may tenga yung guy. tas blush on. makakahanap naman kayo ng ideas sa short summary. kaya pag nagtayo kayo ng shop humingi kayo ng short summary para makapag-isip pa kayo ng ideas.

7. Ideas

- tulad nga ng sinabi ko pede kayo makakuha ng ideas mula sa short summary. so paano pa maka-isip ng ideas? be an observant. tumingin tingin sa paligid, sa ibang graphic shop. aamin ko, kahit ako natingin sa ibang shop. minsan kasi makakakuha ka ng ideas dun. pero TANDAAN. h'wag mong kukunin yung buong idea. wag yung kopyang kopya. naandun ka lang para humingi ng konting ideas, pero hindi option yung kukuhanin mo na yung buong idea nung cover. wala ka ng originality nun, hindi na magiging unique ang gawa mo. dun ako nabbwisit. yeah, you can get ideas. miski ako ginagawa ko din yun. pero may limitations. may sarili kang utak. gamitin mo. 

harsh kung harsh. lol. pero ilang beses ko na kasi yang na-eencounter. 

so yeah. hanggang dito nalang muna. lol. basta ang susi sa magandang cover ay ang creativity at imagination. goodluck sainyo. lol.

x biatch

Tutorial CornerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin