Chapter 4

40.3K 1K 43
                                    

Cleassie

Nasa hapagkainan kami ngayon at tahimik lang ako habang sila Cleto at Baxter ay panay ang kwento ng mga kalokohan.

"You know Dada. I have a crush! She's really cool and beautiful but, she's brutal. She punched me straight to my face." Napanganga ako sa sinabi ni Cleto, Hindi naman nag kukwento si Cleto sa akin tungkol sa isang babae na crush nito. Pero kay Baxter ay proud pa niyang kinuwento? Yung totoo?

"Really? What did you do to her? Bakit sinuntok ka niya?" Natatawang tanong ni Baxter kay Cleto, habang ako ay tahimik na kumakain, nagmamasid at nakikinig ako sa usapan ng dalawang lalaki harap ko. Nakita kong namula ang tenga ng anak ko at napakamot ito sa batok niya. Shy? Kinikilig? Ang bata pa ni Cleto para ganitong usapan! God he is just a 4 years old baby.

"Dada, hihihi. Hinipuan ko siya sa pwet." Nabuga ko ang kinain ko kaya nabilaokan ako. Buti nalang at may tubig sa harap ko kaya dali dali ko itong ininom at huminga ng malalim. Tsaka ko hinarap si Cleto na nakapeace sign ngayon.

"Cleto, that's Bad! Dapat ay hindi mo iyon ginawa sa isang babae. Aware ka ba doon Cleto?" Nakita ko siyang tumingin kay Baxter na naghihingi ng tulong kaya sinamaan ko ng tingin si Baxter.

"Subukan mong kumampe kay Cleto at pareho kayong makakatikim sa akin." Tumukhim naman si Baxter at humarap kay Cleto na ngayon ay nakapout.

"Yes kiddo. Mommy's right. That's not a good, you should stop doing it okay?" Tumango tango si Cleto sa kanya kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at sumunod si Baxter.

"Pero magaling ang ginawa mo, kiddo." Kamuntik ko masipa ang paa ni Baxter sa sinabi niya kay Cleto. Aba! At tinuturoan pa niya ang anak ko na maging manyak? Namumuro na itong lalaking to eh.

"Mamaya ka sakin Baxter, makakatikim ka talaga sakin" Bulong ko sa kanya. Nakita kong may gumuhit na ngiting aso sa mga labi niya kaya nagtaka ako. Anong meron sa sinabi ko?

"I can't wait Mi Esposa, I feel excited." Nanlaki ang mata kong napatingin kay Baxter. So iba pala ang nasa isip niya? Ang halay talaga ng utak nitong si Baxter! Hindi ko na siya pinansin pati na rin ang endearment niya sa akin na Mi Esposa. Parang pamilyar sa akin ang salitang iyan, mukhang Latin Language ang gamit ni Baxter eh. Wait. May lahi naman talagang Latin ang pamilyang Vinagre, yan ang naririg ko dati.

Tinapos namin ng mabilis ang pagkain dahil excited na daw mamasyal si Cleto. Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Baxter, nasa passenger seat kami ni Cleto nakaupo, nakakandong sakin si Cleto kaya naman sinara ko ang bintana dahil ang init, baka umitim si Cleto ng wala sa oras.

"Dada? Saan tayo pupunta?" Napabuntong hininga nalang ako dahil narinig ko na naman ang pag tawag ni Cleto kay Baxter ng 'Dada'. Isa itong malaking kalokohan. Oo tama. Kalokohan.

"Sa mall. Let's play there, you cool with that?" Excited naman na pumalakpak si Cleto at sumisigaw pa ng "Yehey! I want to play with Dada!" natawa ako dahil sa pag sigaw ni Cleto at the same time nalungkot at naawa ako sa kanya.

Ganito siya kasabik magkaroon ng daddy because all his life he never met his true father. Tanging ako lang ang kasama niya sa buhay. Kaming dalawa lang, minsan sinasabi niya sa akin na kahit hindi nalang daw niya biological father ay okay na daw para sa kanya. Pero ngayon kinakabahan na ako ng husto.

Mahal na mahal ko itong batang to dahil mabait at matalino siyang bata, pero mukhang magiging manyak na siya dahil kay Baxter. Kung ano ano kasi ang sinasabi katulad ngayon, "Alam mo kiddo, pag pakipot ang babae. Idaan mo sa saktong paspasan." Tumalim ang tingin ko kay Baxter pero hindi niya iyon pinansin dahil focus siya sa pagmamaneho.

"Paanong paspasan Dada?" Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito. Lord help me with these two weirdos!

"Anak, wag kang magpapaniwala sa kanya." Sabi ko sa maauthoridad na boses pero nag pout lang siya at gumapang papunta kay Baxter. Kaya ngayon kay Baxter na siya nakakandong. Nag seselos ako. Dapat sa akin nakakandong si Cleto eh!

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora