Chapter 1: My Bra

490 59 120
                                    


Leslie Sandoval

"Nay! Nasaan na 'yung bra ko na kakabili ko lang kahapon!?" Sigaw ko na tanong kay nanay habang hinahanap ko sa loob ng kwarto ko ang mamahalin kong bra na kakabali ko lang kahapon. Letche kasi saan ba nagpunta ang golden bra ko? Hindi naman sinabi ng dealer kahapon na may sekretong paa ang bra 'yun.

"Ewan ko anak, gamit mo 'yan tapos ako pinaghahanapan mo!" Sigaw din ni nanay lagi naman siya ganyan pag may hinahanap ako laging barado, s'ya nga pala si nanay Lanie, my ultimate mudrakels and I'm her precious and gorgeous junakis. Bongga diba? Nagluluto siguro ngayon si nanay dahil nangangamoy ulam bagu-ong na, hindi joke lang adobo siguro ang amoy na 'yun adobong palaka. Masarap 'yun.

"Paano ba 'yan, andito lang 'yun kanina eh. Saan ko ba nailagay 'yun?" nakakunot kong noo na tinatanong ang sarili ko habang inaayos ko ang tuwalyang naka tapis sa akin malapit na kasi itong matanggal dahil sa kakayuko ko kung saan sa paghahanap sa lakwatsera kong bra.

"Bye nay alis na po ako!" Paalam ni Layla ang kapatid kong ubod ng kapangitan syempre joke lang maganda naman si Layla mas nga lang ako.

Teka di kaya?- napasilip naman ako sa kanya hinawig ko ng kaunti 'yung kurtina ng kwarto ko, at nakita kong nagbeso siya kay nanay.

"Hindi ka ba kakain, Lay?"

"Hindi na po nay, late na ako eh. Bye!" At nagmadali na siyang lumabas at napansin ko pang sumulyap siya sa kwarto ko. Hmmp. I smell something strange. Nagmadali akong lumabas at sakto naman na nagsuot pa siya ng sapatos kaya naabotan ko siya at mabilis kong hinarangan ang pinto ng bahay. Nakasandal ako habang kri'nos ang kamay ko sabay tingin sa kanya ng naka smirk.

"Oh! Tinakot mo naman ako ate." Napahawak pa siya sa dibdib niya, kunware pa ang pusang ito. Pusa ang tawag ko sa kanya dahil pag nag-away kami puno ako ng gas-gas sa kamay ko dahil sa haba ng koko niya, para siyang pusa. Meeoowk!

"Mas nakakatakot naman 'yang aura mo no!" Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Grabe ka naman ate, magkapatid kaya tayo so parehas tayong nakakatakot like ate like bunso." Masigla niya pang sabi tsk! Akala niya sa akin madadala niya ako sa pag' papacute niya. Hell no way! For the sake of my new lovely bra hindi ko siya kilala.

"PSH! Sa tingin mo madadala mo'ko sa mga charm mong 'yan? Akin na!" Sabay kong abot ng kamay ko sa harap niya.

"Huh? Ang ano?" Hay nako! Hindi talaga siya magaling magsinungaling.

"Goodness! Alam kong alam mo ang hinihingi ko Layla so ibigay mo na sa akin."

"Ano nga kasi?!"

"ANG BRA KO!" pagsigaw ko non ay di ko naman alam na may dumaan pala sa tapat ng bahay kaya ito ang napala namin pinagtawan kami mga bes!

Hindi naman talaga kami totally na mahirap para lang sa bra ay pag-aagawan pa namin, sadyang wala lang talaga akong ibang bra na masusuot dahil hindi pa ako nakapaglaba ng damit ko, at itong maganda kong kapatid sinasayang niya oras ko alam niyang late na ako.

"Ate nasuot ko na." At nag peace siya sabay na tumakbo palabas, ako naman itong si mabait hindi siya mahabol dahil sa itsura ko ngayon.

Aish! Bakit ba lagi niya akong iniinis!

"Nay! Si Layla ninanakaw na naman bra. ko!" Naiiyak kong sabi kay nanay.

"Ewan ko ba sa inyong magkakapatid may mga sarili naman kayong damit bakit pa kayo nag-aagawan! Sumasakit ulo ko sa inyo." Hala sermonan ba naman ako ni mader? Si Layla naman ang umang bakit sa'kin siya nag sermon.

"Nay late na ako!"

"Hala! Suotin mo ang luma mong mga bra dyan Leslie, ako penipwerhisyo mo!" galit na si nanay, ano pa ba namang choice ko edi suotin ang luma kong bra, makapagbihis na nga lang, kaysa suoton ko 'yung hinidi pa nalabhan.

Till The End [ SLOW UPDATE ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora