Chapter 7: Kuyang Minion

110 8 4
                                    

Dedicated to you: Jhoy Crtz (LigayaBitter) 😘

- * -

Leslie's Point Of View

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng S.U habang lumalamon, nililibre ako ng dalawa kong kaibigan na nakilala ko lang last week. Ayokong maging palamonin sa kanila pero parang labag ang isip ko sa sinisigaw ng puso ko. Sigaw ng puso ko na kailangan kong lumamon dahil libre 'yun. Hehe!

"Ano kaya nangyari sa mukha niya?"

"Parang napapaaway na naman si, Earl."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong bulongan. Pumasok kasi siguro 'yung hari, at wala akong pakialam basta magpapakabusog ako.

"Les, dahan-dahan lang sa pagsubo baka mabulunan ka!" Nag-aalalang suway sa akin ni Bel. Nilunok ko muna ang pagkain saka ako sumagot.

"Minsan lang ako ganito, Bel. Hayaan mo na ako." Hindi naman ako masyadong gutom pero pag naririnig ko pangalan ni Earl, naaalala ko 'yung nangyari noong nakaraang araw at gusto ko lang ikain ang kalaswaan na 'yun.

Langya! May tinatago palang kamanyakan ang kapreng 'yun?!

Uminom na lamang ako ng tubig dahil mukhang nag-stuck na 'yung pagkain sa lalamonan ko.

Pansin ko ring nakatingin si Patricia sa entrance ng cafeteria.

"Alam mo, Les, gwapo din naman si Hope.-" Natigilan siya nang bigla kong naibuga ang tubig sa pagkainan ko. Waahhh! Sayang! Huhuhu!

Tiningnan ko naman siya ng masama. Kung hindi niya binanggit na gwapo si Hope sa harap ko, siguro di ko naibuga 'yung tubig sa kinainan ko. Ano ba pumasok sa isip niya at nasabi niyang gwapo si Earl, baka naman may crush na naman siya? Tsk!

"What's with that look, Leslie?" Nagtatakang tanong ni Patricia at ngumiwi pa ang labi niya.

"Nabugahan ko ng tubig ang pagkain ko!" Masama parin tingin ko sa kanya.

"Eh? Sinong may kasalanan? Ako ba may gawa at sa akin ka nakatingin ng ganyan?"

"Alangan naman na sa akin siya titingin ng masama, Pat? Mag-isip ka nga!" Sagot naman ni Bela.

"So, sa akin ba dapat ganon?" Turo ni Pat sa sarili.

"Sinabi ko bang sa'yo?" Sagot naman ni Bela.

"Eh, parang ganon na rin 'yung sinabi mo eh." Napatingin naman ako kay Pat. Kaharap ko kasi silang dalawa sa table at ako lang mag-isa ang nakaupo dito sa tapat nila.

"Ano ba sinabi ko?" Lipat naman ang tingin ko kay Bela nang sumagot siya kay Pat.

"Aba malay ko, ikaw nagsabi tapos ako tatanongin mo?" Nagsalita si Pat kaya sa kanya na rin attensiyon ko.

Nagtataka din ako, bakit ba sila nagtatalo kung kanino ba dapat ako mainis? Eh 'yung tubig naman ang may kasalanan, pwede rin ang bibig ko dahil siya naman 'yung nagbuga.

"Teka, sandali!" Awat ko sa dalawa. Sabay-sabay naman nila akong nilingon.

"Oh ano?" Sabay rin nilang sabi.

"Ano pinaglalaban niyo?" Pareho naman silang napatingin sa isa't-isa at nag-isip. Kambal ba sila dahil parehas sila ng kinikilos ngayon?

"May pinaglalaban ba tayo, Pat?" Tanong ni Bel saka napanguso naman si Pat at umiling.

"Yung feelings ko for him. Need ko ipaglaban." Umakto pa siyang naiiyak.

"Tanga!" Binatukan naman siya Bela. "Yang hugot mo, tae nakakainis! Ipaglalaban mo pa talaga 'yan eh alam mong wala ka ng pag-asa." Bara sa kanya.

Till The End [ SLOW UPDATE ]Where stories live. Discover now