" BLOOD CRYSTAL "

6 0 0
                                    

At lumipas ang maraming minuto ngunit walang paring sumasagot sa kaniyang pagtawag, napakadilim nang paligid pero ang tanging liwanag lang nang kulay dugong buwan ang sumisinag sa kaniya mula sa itaas. Nakatanaw na lamang siya sa itaas at pinagmamasdan ang buwan.

" Jusko, mabubuhay pa kaya ako?, wala man lang kahit isang tao nakakarinig sa akin. Pero hindi ako susuko, ayaw kong mabulok sa lugar na ito!!, gusto ko pang makita si Oppa!!! '

" Kaya ko to!. . . kayang-kaya basta para makita si Oppa Joon Gi ay gagawin ko ang lahat. '

Nanghihina na siya dahil sa hindi pa siya nakakain at kumakalam na ang kaniyang tiyan, mula sa kalaliman ng balon ay may nakapa siya na parang isang bagay.

Nanghihina na siya dahil sa hindi pa siya nakakain at kumakalam na ang kaniyang tiyan, mula sa kalaliman ng balon ay may nakapa siya na parang isang bagay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Ano ito? isang bracelet! ' , ~Nagulat siya sa kaniyang nakuha isang bracelet na may bato na kulay dugo sa gitna. 

" Woah! tunay ba ito? parang tunay na ruby napakaganda, parang nagliliwanag sa kinang kahit na madilim ay kumikislap. '



At sinimulan niyang isuot ang bracelet sa kaniyang kamay at lubha siyang nagandahan sa bracelet na kaniyang nakita.

" Akala ko talaga magiging malas na ang buong araw na' to. huhuhuh!!! ang ganda-ganda naman nang bracelet na ito. Napaka-astig nang design at ang bato ay kasing pula nang ruby na hugis teardrop. '

" Isa sa mga design na ito ang pangarap kong makuha. '

Pero ang buwan ay nanatili paring kulay pula at ang sinag nito ay naka-abot hanggang sa bracelet. Ang bato nito sa gitna ay bigla lumiwanag na para bang nagkaroon nang reaction ang bracelet nang masinagan ito nang liwanang ng buwan. At ang pulang brilliante nito ay patuloy parin ang pagliliwanag.

" Ehh?? , bakit nagliliwanag to. . . may magic kaya to?

" bakit kaya nandito sa kailaliman nang balon itong bracelet na ito?, hindi ko maintindihan ang ganda-ganda tapos itatapon lang ng owner sa lumang balon na ito. '

Pagkatapos niyang masambit ang mga salita na iyon ay bigla nalang nanginig ang bracelet na nakasuot sa kamay niya malapit sa pulso, mula sa likod nang bato ay may lumabas na matulis na kulay pulang galamay na tumusok sa kaniyang pulso at nagsimulang mapunit ang kaniyang balat at dumugo.

" AAAAAHHHHH!!! . . . ang saaakiit!! ' ~ sigaw niya nang bigla na lang sinugat ang kaniyang pulso at nagsimula na itong sumikip sa kaniyang kamay. 

" Jusko! anong nangyayari?, ouch! ang sakiit!! parang gusto nitong putulin ang mga ugat ko. . . hinihigop nang bracelet na to ang dugo ko. '

" Kailangan ko nang matanggal to!, ang sakit na talaga! , ayaw ko na!!. '

Pero kahit anong pilit niyang tanggalin, ito ay parang nakadikit na sa kaniyang balat at konektado na sa mga ugat. Kaya dahil sa wala na siyang lakas para matanggal ang bracelet ay hinayaan na niya ito na nakakabit sa kaniyang kamay.

The Other Side Of Me  {[ Blade ]}Where stories live. Discover now