" SPOTLIGHT "

8 1 0
                                    

"  Nagsisimula na ang fan meeting. pero kinakabahan ako kasi first time kong mag-held ng fan meeting sa Philippines. Papunta na ako sa center stage nang may nakita akong pamilyar sa akin. Kaya lumapit pa ako nang konti at tinitigan iyon, hindi nga ako nagkakamali yung babaeng naka-red hair. Siya yung nakita ko kanina sa rooftop bago magsimula yung fan meeting. Ang angas niya paano kaya siya nakapasok nang walang biniling ticket,  buti nalang naka-disguise ako kanina. '


~ [ FLASHBACK ] ~

" Hays! mainit pala dito sa Philippines kahit gabi na, maiinit parin. Kahit man lang konting hangin wala akong maramdaman. Ano ba yan humangin ka na naman kahit konti, ang init na talaga,  maya-maya magsisimula na ang fan meeting hindi pa rin ako nakakasagap nang hangin.'  

( Boooggshhh... )

" Ba-bakit mausok, ano bang nagyayari ? '


Nang marinig niya ang malakas na kalabog ay agad niya itong pinuntahan para makita kung anong nangyari. Nang tuluyan nang nawala ang usok ay nakita niya sa bubongan ang isang babae na kulay red ang buhok at nakasuot ng black armor. Ang nakatayo malapit sa gilid nang bubong.


" Miss!! bumaba ka diyan delikado yang ginagawa mo, baka mahulog ka! mataas pa naman banda diyan. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay, kaya huwag kang magpapakamatay, diyan ka lang . . . wag kang gagalaw, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko! '


Pagkatapos niyang sabihan ang babae ay napalingon ito at tumabi sa kaniya. Bigla nalang inilapit ng babae ang mhuka nito sa kaniya na may pagitan lamang na isang dangkal. at nakatitig lang sa mga mata niya.


" Bakit, akala mo siguro magpapakamatay ako noh?, sa ganda kong ito mhuka ba akong magpapakamatay? '


" Hindi ko alam, akala ko kasi tatalon ka, sinabi ko yun. Ano ba kasi ang ginagawa mo dun sa bubungan ng Arena? '


" Hmm... wala, nag ii-stretching lang. . . ehh ikaw ba't nandito ka sa rooftop? '


" Nagpapahangin, sobrang init kasi ehh, ehh ikaw, bakit ka nandito? '


" ehh kasi. . . gusto kong makapanood at makasama sa fan meeting. First time ko kasi makakapanood nang fan meeting sa buong buhay ko. kaya gusto ko ang first fan meeting na madadaluhan ko ay ang fan meeting ni Lee Joon Gi para bongga diba. .  hahahaha. . '


" Eh diba may entrance gate naman bakit dito ka sa rooftop dumaan? , hala! wag mong sabihing tresspassing ka!. '


Bigla nalang tinakpan ng babae ang bibig niya para mapigilan siya sa pagsasalita.


" Uy ano ka ba, huwag mo naman ipagsigawan baka may makarinig. sisirain mo pa yung plano ko ehh.. '


" So totoo nga na nag-backdoor ka? '


" Oo na! umaaamin na ako, illegal nga yung pagpasok ko dito. Eh anong magagawa ko, ayaw ko naman palampasin ang pagkakataon na to. Una, Once in the blue moon lang ang event na ganito. Pangalawa, Wala akong pera, hindi sapat ang sahod ko para makabili ng isang ticket dahil sinusuportahan ko ang family ko. Pangatlo, kaya ko lang ginagawa to dahil gusto ko talagang makita si Lee Joon Gi sa personal, as in makita nang mhukaan. Pang-apat, bilang isang fan niya gusto ko na kahit konte ay makapagbigay man lang ako ng suporta sa kaniya. Panglima, First time ko to! kaya please nagmamakaawa ako sa'yo na wag mo na akong isumbong sa mga guard. Hindi naman ako terorista ehh.. gusto ko lang talaga makapanood. '

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Other Side Of Me  {[ Blade ]}Where stories live. Discover now