CAPTURED 26

196 11 1
                                    


Just a very very short update. :P

~

Captured 26


Wednesday morning, sobrang aga kong gumising dahil may mga darating ako bwisita, ay, bisita mamaya. Pinapapunta ko sila Vina, Krista at Carmie dito sa condo dahil desperada na talaga kong makapili ng design ng gown. Una kong niyaya ang mga BFF's ko kaso sobrang busy daw nila Kim at Deia. Give ko naman na sa kanila yun. Lucky me, dahil may Tita si Krista na fashion designer at may mga kakilala naman si Vina at Krista. Sobrang thankful ako kasi last minute silang nanghiram ng mga brochures at nanghingi ng mga ideas. Huhu love love my Ates. I smiled at the thought. Ayaw na ayaw nilang tinatawag ko silang Ate. Even Carmie.

Well, anyway, in return daw sa pang iistorbo ko sa kanila, pakainin ko daw sila. So, gumising ako ng maaga para ipagluto sila ng Italian cuisine slash spaghetti with a chance of meatballs. At mukhang expected nga ng mga bruha na papakainin ko sila dahil wala man lang silang dala dala pagdating sa condo ko. Kahit fish crackers, wala.

Dire diretso si Vina at Krista papasok nang pagbuksan ko sila, mga walang hiya! Buti pa si Carmie. Nagawang bumeso at bumati sakin at sumunod sakin. Naabutan namin yung dalawang prente ng nakaupo sa sala. Nagbukas pa ng TV.

"Feel at home na feel at home, ah" asar ko. I don't mind din naman. Sanay naman akong balahura sila. Matagal ko ng tinanggap na sa likod ng mga magagandang mukha na yan, e kakaibang ugali.

"Ano gusto nyo inumin?" alok ko.

"Beer?" nakangising tanong ni Krista.

"What? This early?" asked Carmie's sweet voice.

"Ang gullible mo, no? Hot tea, please"

"Wala akong tea, Krista" natatawa kong sabi.

"Figures. Nagtanong ka pa. Kung ano na lang meron ka, kaloka"

Natatawa na lang akong dumiretso sa kusina para kumuha ng inumin at pati na rin ng magserve ng pagkain.

"I brought all these. I hope naman may mahanap ka na. Naku, pangmadre na talaga ipapasuot namin sayo"

Inilapag ko ang tray ng inumin at pagkain sa center table at sinilip saglit ang pinaglalapag ni Krista.

"Let's get this done na, I can't be late mamaya. My boss will surely fire me" tumawa lang kaming tatlo sa sinabi ni Krista. Hindi naman sya mukhang natatakot, in fact mukhang aliw na aliw pa nga. Bet na bet nya daw kasing asarin ang super punctual at very hot nyang boss.

Pero ayun nga. May commitment si Krista ng 3pm. Kailangan nyang umalis ng 1pm para umabot sya sa set. Kaya nga alas diez pa lang ng umaga andito na sila at syempre flattered naman ako dahil binigyan nila ko ng oras. Hihi.

"Patingin nga"

Sumisiksik ako sa gitna ni Krista at Vina kaya maarte silang nagreklamo pareho. Ang dami nga naman kasing upuan, pero eto kasi malapit. Tinawanan ko lang sila.

Sinimulan na naming magbuklat. Tig iisa kaming brochures. Pinapakita nila sakin yung mga gowns na nagugustuhan nila at napapangiwi ako sa mga ipinapakita ni Vina at Krista. Parang kapareho lang ng gusto ni Mommy. Buti na lang talaga andito si Carmie. Sya lang ata talaga nakakaintindi na ayoko ng masyadong daring na damit.

"C'mon! Like, why don't you like this ba? You have big boobs naman"

"I agree. You have a very good figure." Pagsang ayon ni Vina kay Krista.

"Girls, she doesn't want any of that. Our Baby is still a baby"

Tumayo ako para yakapin si Carmie. Ngumuso pa akong parang bata habang kumakapit sa kanya. "Thank you, Ate Carmie" parang bata kong sabi.

CAPTUREDWhere stories live. Discover now