CAPTURED 31

197 10 2
                                    

Captured 31


"I hate you, I love you
I hate that I love you
Don't want to but I can't put nobody else above you
I hate you, I love you
I hate that I want you
You want her, you need her
And I'll never be her"

"Ano bay an?! Sampung beses mo ng kinakanta yan! Ang sakit na sa tenga"

Inirapan ko si Kim. "Shhh! Nagmmove on ako!"

"Alisin na natin yung Dive at Happier ni Ed Sheeran kasi malamang yun yung susunod"

Pinabayaan ko lang si Kim at Deia saka ipinagpatuloy ko lang yung pagkanta. Bakit ba, feel na feel ko eh. Swak na swak kaya sakin mga lyrics.

Nasa bahay kami ngayon. Umalis ang buong pamilya dahil may pinuntahan sila. Hindi ko narinig kung sino pupuntahan nila dahil tulog pa ko nun. Hindi na nila ako isinama dahil nandito nga sila Kim at Deia. Hindi pa kasi umuuwi yung dalawa mula nung debut ko two days ago. Mamayang hapon pa sila babalik ng Manila. Alam ko naman kung bakit, eh. Ayaw nila kong iwanan. They want to keep me company at sobrang thankful ako.

Hindi namin pinag-usapan si Grey. Hindi din ako nagkwento at hindi din sila nagtanong dahil wala na kong ikkwento at alam na din nila kaya hindi na sila nagtanong. Ayoko na ring marinig sa kanila na sinisisi nila si Grey. Basta alam namin lahat na nagmmove on na ko.

Ayoko na ng madramang life! Tapos na ko dun! (Kahit na lagi kong inaantay na magmessage sya sakin.Ugh)

"Whooo!" inikot ikot ko pa yung kamay ko sa ere bago ako kumanta ulit.

Pagkatapos ng tanghalian, umalis na din sila Kim at Deia. Hinatid ko pa sila sa bus terminal. Ayaw pa nga nila kong payagan dahil baka daw mabalitaan nilang nasagasaan na ko pag ako na lang mag-isa. Mga baliw.

Pagdating ko sa bahay nakaparada na ang sasakyan at nakabukas na ang pintuan. Kumunot noo ako nang makita ang isang di pamilyar na sasakyan sa labas ng bahay. May bisita ba? O may kung sinong di marunong magpark ng sasakyan. Tsk tsk. Magbabagong taon na.

"'Mmy!" sigaw ko pagpasok sa gate.

"Ayan andyan na pala" rinig kong sabi ng nanay ko.

Pumasok na ko ng bahay. Nagulat ako nang makita kung sino ang prenteng nakaupo sa sofa.

"Anak! Andito Ninang Mercy mo, oh"

Napunta ang tingin ko sa Ninang ko. Ang ganda pa rin nya. Hindi halatang 44 na. Ang tagal ko syang hindi nakita dahil naninirahan sila sa Amerika.

"Ninang" ngumiti ako at lumapit. Niyakap nya naman agad ako at hinalik halikan ako. I laughed.

"You've grown. Mas gumanda ka lalo."

Tumawa ako. "Of course, Ninang. Kanino pa po ba ko magmamana? Edi kay Dad"

Kinurot naman ako sa tagiliran ni Mommy kaya't tumawa uli ako. Pero sa totoo lang ilang na ilang na ko. Ramdam kong may tumitingin sakin.

"We were on your debut kaso nagpahinga ako ng maaga kaagad. I was so tired from our flight. Kakauwi lang kasi namin noon. My jetlag is killing me. But my son stayed. Stephen, nagkita ba kayo ni Babes"

Hinawakan ko ang tela ng shorts ko. Kinakabahan kong nilingon si Stephen. He's smiling from ear to ear. Hindi pa din naaalis yung pati mata nya ngumingiti.

"No, Ma. I went to my room after you. I got sleepy too"

Sumimangot si Ninang. "Sayang, di man lang tayo nakapagpakuha. You were so beautiful that night, 'nak. Lea, bigyan mo ko ng kopya ng picture ni Babes ah."

CAPTUREDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora