CHAPTER THREE (PART 1)

623 20 0
                                    


MASAYANG pumasok uli sa kanyang opisina si Judy. 

"Tumawag uli ang Thailand supplier natin," anito. "And this time, I had a very good conversation with Dang."  Ang mismong may-ari ng fabric company sa Thailand and tinutukoy nito. "Akala raw niya ay naipadala na sa atin ang mga tela. Galit  na galit siya nang malaman niyang hindi pa. Abut-abot din ang kanyang aplologies. Ipinangako niyang bukas  ay narito na ang mga fabrics."

"Good job. But how he'd make it, I wonder," aniya. Batid niyang hindi ganoon kadaling mag-arrange ng shipment sa eroplano. 
"He never breathed a word kung paano, pero basta sabi niya, he'll  do everything to keep us satisfied, no matter how unreasonable our dreams are."
"Kasalanan nila. Anyway, that's great. Isa na lang ang pinoproblema ko, Judy. Kung napapansin mo, mabagal ang mastery ng mga models natin ngayon.  Tawagan mo kaya si Lady Theresa? Kung hindi natin makuha ang service ng mga models niya, baka puwedeng siya lang ang kunin nating instrutor --- at least for a week?"

"The fashion wizard just flew to Paris. And I don't think she'll find time for us because when she comes back, her agency will be busy preparing for a big show para sa De Lara Promotions. Pagtiyagaan na natin ang mga 'yan, kasi alam mo, ang mga modelo natin ngayon, hindi nila kabisado ang instructor na kinuha natin para turuan sila. But I believe, in a few days' time, magkakaroon din ng magandang report ang trabaho nila."

"Siguro nga," ayon niya, tumango. Confident naman siya dahil first-class models naman ang mga bagong modelo nila ngayon, gayundin ang pagtuturo. Ano't anuman, hindi siya ipapahiya ng mga ito.
"Oh bye the way, I heard from Rustan's they want to meet you. I think they're finally ready to discuss a deal para sa ilalabas nating products. I'm going to set the date, if it's okay."
"okay." 

Ang Rustan's ang napili niyang maging authorized outlet ng mga bago niyang designs. Pero noong nakaraang linggo, mukhang may hindi nagustuhan sa contract proposals na isinumite niya ang tanyag na department store kaya humingi ito ng panahon upang mapag-aralan ang naturang proposal.

Diyata't okay na 'ng lahat sa kanila? sa loob-loob niya.

"I-cancel mo ang reservation natin sa Cinderella," bilin niya kay Judy.

"Okay. Pero mamaya na. Let's have a coffee."
"Good idea." 
Pagtayo nito para tunguhin sa isang sulok ang percolator ay tumunog ang intercom sa kanyang desk. Iyon ay ang linyang nakaugnay sa kanyang sekretarya sa labas.

"Yes, Rowena?"
"Ma'am, sa line four, a man who says he's T," sabi ng sekretarya. Batin ng buong tanggapan ng Maudelle ang tungkol sa mahiwagang pagdaragsa ng mga red roses para sa kanya, and T's identity  was a topic of speculations among the staff.
She rolled her eyes sa direksyon ni Judy. "It's T on the line."

Anupa't iniwan nito ang percolator. Patakbo itong lumapit sa kanya. "Take it, take it!"
"Okay, put it through, Rowena," aniya --- para masolve na once and for all ang misteryo at sakit ng ulong dinadala sa kanya ng kung sinong demonyong T na ito.

Nakadikit sa kanya si Judy nang angatin niya ang awditibo. "Hello?"
"Hello, Vietrez."

Malalim, suwabe at nanunuot ang tinig ng isang lalaki. Para iyong mabisang gamot na gumuguhit hanggang sa kailaliman niya.

"Who is this?" iritadong tanong niya.

"Did you get my flowers?"

"Yes, thank you. But who are you?"

"Sa loob ng ilang panahon, hayaan mong makilala mo ako sa taguring ibinigay ko -- the letter 'T',"  sagot ng lalaki. His voice was well-modulated, his accent educated, parang sa isang napakaintelihenteng tao.

Kinikilig sa kanyang tabi si Judy.

"Alam mo, Mister," wika niya, "napakaabala kong tao para patulan kita sa kalokohan mong ito. Sorry, but I won't play any game with you."

Naging drastiko at mabagsik ang tinig ng lalaki, as if to prevent her from hanging up. 

"Hindi ito isang laro, sinisiguro ko sa'yo, Vietrez. I'm only attempting to prove my devotion to you."

Nangunot ang kanyang noo. "What are you taking about? I don't even know you."

"Kilala mo ako, Vietrez. Kilala mo ako."

"Kung gano'n, bakit ayaw mong lumantad? Bakit ka nagtatago sa sagisag na 'T'? Look, if you are an acquaintance who seems to be best forgotten, come out ---"

"I want us to meet. Pero hindi pa ngayon. Kapag handa ka na."

"No. I'm not interested," flat ba sagot niya. "I've no idea who you are at kagaya ng sinabi ko, abala akong tao kaya wala akong panahon sa mga ganito."

"You know me, Vietrez," ulit ng lalaki.

Ganap ang kahiwagaan niya sa identity nito. 

"Have we met somewhere recently?" tanong niya rito. 

"Are you someone I knew in college or maybe in high school?"

"Before."

"Before high school?"

"Just before."

Napatingin siya kay Judy, nakatiim-bagang na napailing. Nagkibit-balikat lamang ito, nanatiling nakangiti.

"Well, like what I've said, I don't have time for this," ulit niya, finality on her voice. 

"I must go now ----"

"Hintay!" pabiglang bulas nito. And then there was a pause. "Kilala natin ang isa't isa noon, Vietrez. Paniwalaan mo yan."

Hindi siya kumibo.

"Totoo ang sinasabi ko." May himig nang pakikiusap ang tinig nito. Maski kanina, katapatan ng mga sinasabi nito ang inihahatid ng tinig nito ---- bagay na nagpapasidhi sa nararamdaman niyang pagkalito... at pagkatigatig.

"Mister---"

"And I'm going to prove it to you, Vietrez."

"Look, I think you should not bother me again," sabi niya, may tonong pakikiusap din. Umaahon sa isipan niya ang hinalang malaki ang diperensiya sa isip ng lalaki. Isang baliw. "Wala akong interes gumanap ng anumang papel sa mga pantasya mo."

"Huwag  kang matakot, Vietrez. Hindi kita sasaktan. Pangako. Hindi na uli. Magtiwala ka sa akin. It's going to be different this time."

Gustong manindig ang mga balahibo niya. Nangingilabot siya sa hindi niya maunawaang dahilan. Ang  naiintndihan niya, ayaw na niyang magtagal pa ang pag-uusap nila ng lalaki. Gusto na niyang tapusin iyon.

Humugot siya ng  malalim na hininga. "This is enough," mahigpit na bigkas niya. 

"Ayoko nang tumanggap uli ng tawag mula sa'yo. Because I want nothing to do with you. Do you understand?"

"Vietrez, hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo --"

Ibinagsak niya ang awditibo sa katangan nito.

"Wow!" bulalas ni Judy. "Narinig ko ang ilan sa kanyang mga sinabi, and so far, they're the weirdest I've ever heard. Bakit mo ibinaba?"

"He's frightening."

"He has a bedroom voice---"

"I don't like it. He's weird."

INSEPARABLE 1: Thunder From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon