CHAPTER SEVEN (PART 1 of 4)

528 12 0
                                    


INABALA ni Lauren Laurentti ang mga oras ng umaga sa pagbubukas sa mga kahon, sa paglalagay ng mga kung anu-ano sa dapat pglagyan ng mga iyon.

Madalas siyang napapakibit-balikat na lamang; hindi siya masyadong nakakatiyak kung tatanguan o kaya ay lalaitin ng isang interior decorator ang pagsasalpak niya ng mga kagamitan sa mga sulok.

Ano't anuman, magaan at tila wala sa sarili habang kumikilos siya. Bakit? Nakaugnay sa babae sa kabilang bahay ang kanyang isipan.

Kay Vietrez de Ocampo.

Beautiful, intelligent, talented, very able---
"And very scared," isinatinig niya.

Hanggang ngayon, malaking question mark ang  nakakintal sa kanyang isipan ang tungkol sa pangamba ng mga babae  sa mysterious caller nito.
Ang totoo ay masyado at labis-labis ang reaksiyong ibinibigay nito sa secret admirer nito.
It was a puzzle.

Hindi niya maaring balewalain ang nakabadhang sindak sa anyo nito. It was a good thing he was able to speak about intuition. He believed in intuition, and everybody should do, too!

Gayunpaman, si Vietrez pa lamang ang higit na makapagtitimbang sa iregularidad ng emosyong nagkukubli sa dibdib at isip nito.

Pero kahati ng pag-iisip niya sa predicament nito ay ang paglulunoy naman ng kanyang utak sa physical attributes nito.

Beautiful, beautiful, beautiful!

Saang anggulo man niya ito sipatin, diyes ang grado nito sa kanya.

Kagabi, paggunita pa niya,  hindi niya binalak na hagkan ito, but when he did, may affection siyang naramdaman mula sa kanyang kailanman---affection na wala sa kanyang damdamin sa loob ng maraming mahabang taon.

Pero hindi ibig sabihin niyon ay walang kulay ang kanyang mundo. May sarili siyang tanikala ng magaganda at maaalindog na babae.

Pero kaugnayan ng pagkakasawi ng kanyang pag-ibig sa nakaraan, minabuti niyang burahin ang dating pagkarahuyo na magkaroon ng kaugnayan sa isang babae. Masaya siya at laging busog, sabihin pa, sa mga babaeng walang pakundangang naghahain ng mga sarili para sa kaligayahan niya.

Hanggang sa ngayon.

Bukod at natatangi si Vietrez, isang babaeng nagniningning hindi lamang sa taglay nitong karikitan kundi sa maraming iba pang katangian.

Independent, competent , probably a tough businesswoman---yet desirable and feminine...

Bihirang-bihira na lamang ngayon ang babaeng katulad nito.

Dahil sa isang maling  pukpok, sa daliri niya bumagsak ang martilyo.

"Damn!" wika niya, pagkuwa ay tumawa.

Paalala kaya ang pagkapukpok na uyon ng kanyang daliri para itigil na niya ang sobrang pag-iisip kay Vietrez? Or was it a reminder for him not to get involved with her?

Lalo na at may matibay itong pagkakapilas sa pinakahuling babaeng minahal niya---si Loralee, na tiyak na sumagot na "hindi" nang yayain niya itong pakasal.

Isang chief flight attendant ng Lufthansa Airlines si Loralee; hindi nito kayang i-give up ang trabaho kaya nawasak noon ang kompuyansa niya sa sarili.

Ngayon, si Vietrez ay isa ring babaeng may dimatatawarang debosyon sa negosyo.

Entones, ang landas na tatahakin niya patungo sa dalaga ay kasinlapad ng daang nilandas niya noon kay Loralee.

Saglit siyang nanamlay. Binago niya ang takbo at paksa ng kanyang isip. Mula sa isang malaking sisidlan, hinango niya ang malaki at pinakaiingatan---dahil ito ang pinakamahal sa mga pag-aari niya---na kuwadro. Iyon ay isinalarawang damdamin ng mundo sa pagkamatay nito.

INSEPARABLE 1: Thunder From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon