Four

234 15 4
                                    

Am I Still A Stranger?

First time yatang nag-init ang mga tenga ko nang ganito. At feel na feel kong namumula din ang oh-so-rosy cheeks ko ngayon dahil sa sinabi niya. Tapos pinilit ko na ring burahin sa utak ko si Kim Chiu at ang kanyang napakahalay na kanta dahil mahirap na, baka sa kashungahan ko ay makanta ko pa yun sa harap niya nang malakas. At sa halip na pasalamatan ko siya sa sinabi niya, binara ko pa siya dahil gorgeous ako.

"Hindi mo na lang tinodo, Gio. Gagamit ka na lang ng adjective para i-compliment ang kagandahan ko, hindi pa 'yung 'beautiful'."

"Bakit ano bang mali sa 'pretty?' Parehas lang naman ang meaning nun sa 'beautiful'," kunwari reklamo niya.

"Pang-Kinder naman kasi yun. O di ba sa mga seven years old kadalasang ginamit yung 'pretty?' Tapos pwede ring inaasar mo ako kaya yun ang ginamit mong word instead of 'beautiful'. Sus, alam ko na 'yang mga ganyan, 'wag ako Giong Pilay!"

Natawa siya habang kumakain ng fast food na hindi niya raw kinakain. "Ano bang problema mo sa salitang 'pretty?'"

"Gusto mong malaman?" Tanong ko at tumango siya. Kaya umacting na ako at ginaya ko yung pagkakasabi niya nun kanina. "I'm sorry but you are wrong, Elle Jean. I do think you're pretty."

Tapos bumalik ako sa original voice ko at tinanong ko ang sarili ko. "Pretty what?"

And sinagot ko naman yung tanong ko na yun using Gio's voice again. "Pretty ugly. I do think you're pretty ugly."

May karugtong pa sana yun pero hindi ko na nasabi pa dahil natawa na agad si Gio. Ang lutong-lutong ng tawa niya na parang bumenta talaga sa kanya yung joke ko. Muntik pa nga siyang mabilaukan kaya napainom agad siya ng tubig.

"O di ba? Ganern! Kaya ngayon alam mo na, kapag magko-compliment ka ng kagandahan ng isang babae, beautiful ang gagamitin mo! Hindi pretty!"

"Ang weird mo talaga," sabi niya.

"Oo weird talaga ako ngayon dahil yung normal self ko ay hindi magpapapasok ng estrangherong lalaki sa apartment ko. Naku, Gio. Kapag malaman-laman ko lang talagang isa kang budol-budol ipapa-massacre talaga kita."

"Hindi mo kasi ako dapat binangga ng bike," reply niya naman. "Common sense naman 'yun na 'pag may humarang sa dinadaanan mo, titigil ka."

"Eh sa gusto kitang sagasaan!"

"Hindi ka magkaka-driver's license niyan kung ganyan ka," sagot niya pa at natawa na lang ako. Natapos na rin kaming kumain at nagliligpit na ako ng pinagkainan namin pero ang lolo niyo, nasa mesa pa rin at nakatunganga.

"O, hindi ka ba tatayo diyan?"

"Saan ba ako pupunta?"

"Sa bubong," sarkastikong sagot ko sa kanya. "Akyat ka dun using only your injured leg tapos maglampaso ka dun ng bubong."

"Ang taray-taray mo. Ganyan ka ba sa ibang lalaki? Kahit siguro may gusto sa'yo ang isang lalaki kapag ganyan ka naman sumagot, baka agad ding ma-turn off sa'yo," sabi niyang nagpataas ng kilay ko.

"Matawagan nga si Doktora at i-cancel ko na lang kaya 'yung pag-check up niya sa'yo para matigok ka na lang buwisit ka," sabi ko.

"Wag naman ganun," natatawa niyang sagot. "Biro lang yun."

"Bakit, close ba tayo?"

"I thought so."

Ay, nakikipag-close si Koya? Nakakakilig naman.

"Dun ka na lang muna sa sala! Manood ka na lang muna ng tv."

"Bakit ano pa ba ang gagawin mo?"

"Maghuhugas ng pinggan at maliligo!"

The Scent of LoveWhere stories live. Discover now