Chapter 5 》Homecoming《

82 19 0
                                    


Chapter 5
*Homecoming*
~Me and My Brokenheart~

Life goes on,
Whenever you choose to move on and
Take the chance in the unknown.
Or stay behind, locked in the past
Thinking of what could've been.
~anonymous~

Alyanna's Pov

On the way home, ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita na nila akong bumalik dito sa Pilipinas.

Pinagmamasdan muli ang mga nadadaanang mga buildings sa daan. Nastuck ako sa traffic  kaya tinitignan ko muna ang pagbabago dito sa Pilipinas.

Still, walang pinagbago sa traffic pero marami na ngayong mga bagong buildings ang nakikita ko.

Buti na lang at umusad na ang traffic at nakaalis na. Nakaraos rin, ang hirap parin pala. Pasalamat na lang kay manong dahil dumaan siya sa another way na walang traffic.

Nakataxi lang ako ngayon, dahil remember, wala pang nakakaalam ng pagbabalik ko.

Nagbayad na ako kay manong at bumaba na sa harap ng gate ng mansyon ng parents ko.

"Kuya guard, pakidala naman sa loob ng gamit ko ohh" sabay lapit ko kay manong guard.

"M-ma'am Alyanna? Ikaw ba yan?" Nakatulalang sabi ni manong guard.

"Ahm, yes. Pasuyo na lang po, mabigat din po kasi" sabay ngiti ko sa kanya.

Dali dali naman niyang pinasok ang gamit ko. Nauna na akong pumasok at hinanap sila mommy.

"T-tita?" Sabi ni Chase

Buti naalala niya pa ko. Ang laki na niyang bata at ang gwapo gwapo talaga niya.

Niyakap ko siya

"Yes, it's your tita. I miss you little pamangkin. Wala man lang kiss si tita?" Tampong sabi ko sa kanya

Hinalikan niya ako sa pisnge at hinila papunta sa sala.

Nakita ko si tita at tito na masayang naguusap. Tumingin sila sa akin at parang gulat na gulat sila.

"A-alyanna?" Tanong ni ate.

Tumango lang ako at dali daling niyakap siya. How I miss my ate.

"I miss you ate"

"I miss you too. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka at para naman nasundo ka namin"

"It's a suprise ate. Hindi ba kayo nasuprise" natatawang sabi ko at tinanggal na ang pagkakayakap sa kanya.

"Ang laki na ng pinagbago mo yanna, you look more gorgeous now at di maipagkakailang model kana nga" sabay palakpak ni ate. Parang bata ehh😂

"Obcourse ate, ako pa" proud na sabi ko sa kanya

"Ehem, hindi mo man lang ako namiss baby?" Natatawang sabi ni kuya Cristof

"Oyyy, kuya anjan ka pala" natatawang sabi ko at niyakap siya.

Bumitaw naman agad ako  at nakipagfist bro.

Gawain namin dati ni kuya yun kapag magkikita kami.

"Alyanna, my dear" sigaw ni mom mula sa taas. Dali daling bumaba si mom, muntikan na nga siya matapilok at buti na lang ay nasalo ni dad

"Mom, I miss you" sabay yakap ko sa kanya

"I miss you too dear, bakit di ka man lang nagpasabi na uuwi ka?" Tampong sabi ni mom

Tumawa na lang ako at niyakal din si dad.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano at nagdinner na rin. Dahil di namin napansin na gabi na.

Umakyat na ako sa kwarto ko at tinawagan agad si Tiffany para ibalitang nakauwi na ako.

"Hello Claire, ba't napatawag ka?"

"Lay, nakauwi na ako" natatawang sabi ko

"Ano!? Bakit di ka man lang nagpasabi na uuwi ka na, edi sana nasundo kita" tampong sabi niya

Haha ilang beses na ba ako nakarinig nun mula kanina

"Syempre, suprise yun lay. Kita tayo bukas ahh sa dating tambayan ha ."

"Ah sige besfriend. Ayy, Claire birthday pala ni Hence, punta ka bukas, sabay na rin tayo"

"Sige sige, bestfriend. Tulog na ako.goodnight"

"Sige tulog ka na, alam ko namang hindi ka pa nakakapgpahinga. Goodnight. Madami ka dapat na ikwento sa akin and don't forget my pasalubong"

"Sige, bukas na. Bye" pinatay ko na at dumiretso na ako sa cr para makaligo.

Pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko.

Namiss ko ng matulog dito. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Author's Note

Happy 5th Chapter😂💖
Ang dami kong ginagawa ngayon so baka sa sabado na ako makapagupdate.

By 5 ang publish ko ng chapter para may suspense and every saturday ako magpapublish.

Pero ngayon pagbibigyan ko kayo.

Don't Forget to

Vote

Comment

Me and my BrokenheartWhere stories live. Discover now