Chapter 6 》See You Again《

127 18 0
                                    


Chapter 6
*See You Again*
~Me and My Brokenheart~

Never expect, never assume
Never ask, and never demand
Just let it be..
Because if it is meant to be
It will happen, the way you want to be
~anonymous~

Alyanna's Pov

"Claire, kailan ka pa nakauwi?" Tanong niya

"Kahapon lang."

Kasama ko ngayon si Lay dito sa park. Naglalakad kami habang naguusap. Alam naman ninyo na dakilang daldalera si Tiffany. Hahaha joke lang readers, baka magalit pa siya
"Pasalubong ko"

"Nasa kotse, kunin mo na lang mamaya"

"Claire, nakamove on ka na ba sa kanya?" Kinakabahan na tanong ni Lay sa akin

"Kanino ba dapat ako magmove on?" Patay malisya kong sabi

"Ehem, kay Lawrence" sabay kamot batok

"Hahaha" tawa ko sa kanya

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko" nakataas na kilay na tumingin sa akin.

"Oo naman, ano pa ang dahilan ng pagalis ko kung hindi ko pa siya kalimutan, sayang din yung 5 taon no" diretsang sabi ko at baka mamaya magtaka pa siya. Panigurado, papaulanan niya ako ng tanong

"Sigurado ka ba sa sagot mo? Alam mo namang magkikita kayo sa party mamaya dahil tropa yun ni babe"

Bigla akong napatulala sa sinabi niya. Oo nga pala tropa siya ni Hence. Ano ba yan, bakit hindi ko natandaan. Magkikita kami? Oh, no. Ayy, bakit ganto ako magreact, nope, move on na ako sa kanya. Relax Claire. Kaya mo to

"Syempre naman, baka pag nakita ko pa siya, batiin ko pa sila ni Tricia" natatawang sabi ko para takpan ang kaba sa puso ko.

I don't know, pero nasaktan ako sa sinabi ko. Iniisip ko palang na nakikita ko kasama ni Lawrence si Trisha, parang kumikirot ang puso ko. Pero nakamove on na naman ako, pero bakit ganun... nakamove on na nga ba ako? Ayy, erase, erase.

Nakamove on na ako. Period. No erase at totoo. It's just part of the past, naalala ko lang si past kaya ganito.

Heart naman makisama ka. Sundin mo na lang si isip at maghanap ng lalaki na magmamahal sa akin ng tunay.

"Sige bestfriend, uwi na ako. Tutulong pa ako sa pagaayos ng party ni Hence, di ko muna sasabihin sa kanila na aatend ka,gusto ko may grand entrance ka mamaya, and wear your most beautiful dress para may manligaw na sayo. Bye, bye." Sabay beso sa magkabilaang pisnge.

Kumaway na lang ako sa kanya at umuwi sa bahay.

Nadatnan ko ang mansyon na  wala sila mom and dad. Hindi ko naman na dapat hanapin si ate dahil may sariling bahay naman sila.

Umakyat ako sa kwarto at natulog

~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nagising ako dahil sa pagring ng cellphone ko, sinagot ko ito kahit timatamad ako...

"Hello" bored na sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Me and my BrokenheartWhere stories live. Discover now