52 °mothers day special

924 39 8
                                    



Areum's POV




"Ah so ganon kuya?! Ano bang paki mo kung manligaw si Jeno sakin?!" sigaw ko kay kuya. Aba! Alam ba niya sinasabi niya? Nakakainis siya ah! "Ang akin lang naman ay maprotektahan ka! Bakit ba mahirap sayo ang intindihin yon?!" grrr nakakagigil! Diba sabi ni Jeno na pumayag si kuya? ABA NAMAN TALAGA! So ano yun? Kasinungalingan lang? "Bakit ba ha?! Gusto mong ikaw ligawan ni Jeno?! Aba edi sayo na kuya!" sabi ko saka umalis ng sala. Naabutan ko naman si mama na kakababa lang ng hagdan.

"Anak okay lang kayo? Narinig ko kayong nagtatalo ng kuya mo." malumay na sabi niya. Bumuntong-hininga nalang ako. "Yang si kuya kasi eh! Pilit akong pinapalayo kay Jeno. Ano bang paki niya kung di ako lalayo? Pagsabihan mo yang gago kong kuya ma ha." singhal ko. Hmp! Bahala na si kuya! Basta hindi ko lalayuan si Jeno! "Aba anak! Kahit nagtalo kayo ng kuya mo, wag mo siyang tatawaging gago. Kuya mo parin siya." uminit naman ang ulo ko sa sinabi ni mama. Pati siya? Psh siguro nagkakampihan na naman sila ni kuya. Sige lang!

"Wala akong pakialam ma! Totoo naman eh! Ayaw niya lang akong makipagkaibigan kay Jeno kasi baka saktan niya ako! Ang bait kaya ni Jeno. Palibhasa kasi hindi niya kilala si Jeno kaya ganyan na siya makapanghusga."

"Tama na anak! Ano bang ginawa ng kuya mo para ganyan ka na magalit sa kanya?"

"Tangina sige! Magkampihan kayo ma! Paborito mo siya diba? Sige kampihan mo siya! Bahala nga kayo diyan!"

Pumasok ako sa kwarto ko saka tumawa ng mahina. Oy mga bes acting lang yon. Plano kasi naming sorpresahin si mama ngayon. Like duh, mothers day ngayon kaya naisipan naming mag-acting. Oha oha! Galing ng acting ko noh? Ang papalag may libreng kiss kay Lee Sooman sige! Hahaha charet lang. Nandito na sa kwarto ko ang banner na may nakasulat na 'Happy mothers day Mama! We love you always~ mwa!' Ayieeee ang galing talaga ng plano ni kuya! Dabest! HAHAHAHA!

"Soonyoung! Kailangan nating kausapin ang kapatid mo. Sige na samahan mo na ako sa kwarto niya." omgggg gumana nga!! grabe! Hindi ko inexpect na gagana tong plano na to. Basically, ka-engengan ko lang talaga ang emphasis eh. Nang marinig ko na ang mga yapak nila, dali dali kong kinuha ang party poppers. Kumatok naman sila. "Bukas yan." kunwari masungit na saad ko. Para naman maniwala!

Pag bukas palang ni mama, pumutok na ang party poppers. Yieee nakita na niya surprise namin. "Ano to anak?" tanong niya. "Surprise ma! Hahaha naniwala talaga kayo sa acting ko noh? Ano ma pasado na?" pabirong sabi ko. "Actually ma, sinadya lang naming mag-away ni bunso para sorpresahin ka." nakangiting sabi naman ni Kuya Hoshi.

"Mama, happy mothers day! Words can't explain how much I love you. Thank you po sa lahat. Ikaw ang nagbibigay ng lakas sakin kahit hinang-hina na ako. Ginagabayan mo ako at patuloy na inaalagaan. Kahit minsan ang sungit ko tas sinasagot kita. Eh kasi naman eh, ang dyosa ko kasi. Heh joke lang ma. Ayun nga, thank you sa pag-iintindi sakin at sa pagsusuporta sakin. Thank you sa pagpapalaki sakin ng maayos at sorry kung napaiyak kita ng madaming beses. I Love you always and forever mama. Mwa!"


_____________

a/n : awww na-touch ako sa sinulat ko hahaha. Happy mothers day! I-greet niyo na ang mommies niyo!

√ | caughtDonde viven las historias. Descúbrelo ahora