81

846 35 11
                                    


Areum's POV

"Areum beks!" sigaw ng bakla kong ka-klase. "Ano na beks?" tanong ko. Nagkatinginan muna sila ng isa ko pang baklang ka-klase saka tumili. "May bago ka na palang admirer?" tanong nila. Huh? Admirer? Pano ako nagkaroon ng admirer? "Naks naman beks! Haba ng hair oh!" sabi nila saka pabirong hinila ang buhok ko. Mga baliw. Lumabas ako ng classroom at naabutang nakasandal si Jaemin sa pader na may hawak na flowers. "Hey, kanina ka pa?" tanong ko. Sandali naman siyang tumingin sakin saka tumango. "Dapat na ba akong mag-aegyo?" natatawang tanong niya. Naiimagine ko nga siyang nag-aaegyo sa isip ko eh. Shet ang cute talaga ni Jaemin. Kaya ko siya naging crush eh. Pero dating crush lang ah?

"Ewan ko sayo. Tara na nga sa starbucks!" sabi ko pero umiling siya. Binigay niya naman ang rose sakin saka pumasok ng classroom. Shet, wag mo sabihing mag-aaegyo talaga siya? Peste nakakahiya! "Hoy beks, tinatawag ka na ni fafa Jaemin mo." ngumiti nalang ako ng peke na may halong kaba. I swear, kung mag-aaegyo siya sa harap ng mga ka-klase ko, babatukan ko siya. Pumasok na ako ng room at pumunta sa upuan ko. "Areum, alam kong iniisip mo na nakakahiya ang gagawin ko. Wala akong pakialam basta para sayo, gagawin ko." nakangiting sabi ni Jaemin. May ibang nag-'yiieeee' at may ibang nagbubulungan. Tsk, alam kong sinasabihan na nila ako ng malandi.

"Kwon Areum, sana pumayag kang mag-starbucks kasama ko~"

PAKSHET

STOB IT

Nag-aegyo na siya! AHHHHHHHHH

HANGKYUT LANG

Nag-'awww' naman sila tas yung iba kinilig. "Oo na oo na! Wag ka nang mag-aegyo jusmiyo!" pagsuko ko. Hindi ko kinaya yun! Shet siya! Myghad! Napansin ko namang may sumisilip sa pinto kaya agad akong lumingon. I was taken back. Si Jeno. At guess what? Kanina pa niya ako tinitingnan, more specifically kami ni Jaemin. Para siyang galit na nasasaktan base sa mata niya. Napalunok ako saka umiwas ng tingin sa kanya. Alam kong galit na galit siya sakin kasi akala niya sinaktan ko si Cassie. Kung pwede nga lang na mag-usap kami ng harap-harapan, nagawa ko na. These past few days, pinipilit ko siyang paniwalaan ako at hayaan akong mag-explain pero ayaw niyang makinig.

Madali siyang nagbago. Madaling nagbago ang lahat. Dati, nililigawan pa niya ako pero ngayon feeling ko kinalumutan na niya lahat. Wala nang gusto, galit nalang. Naramdaman kong kumirot ng bahagya ang puso ko. Masakit lang kasi eh. Dahil may Cassie, nagbago ang lahat. I can't blame her kung nagseselos siya. After all, ako naman ang talo. Panalo na si Cassie eh. Ikakasal na sila ni Jeno. At kung hindi ako pakikinggan ni Jeno at Nicole, may posibilidad na hindi ko mapigilan ang kasal.

_________________

a/n: kanina lang, mad city yung naka-play na song habang sinusulat ko to tas nag switch na sa sa without you ng nct u kaya ang sad ng nasulat ko. lumuha ako ng bahagya hahaha shox skl. so i recommend you to listen to without you of nct u while reading this chapter.

√ | caughtDonde viven las historias. Descúbrelo ahora