1: Imperial

2.2K 45 14
                                    

Author's Note:

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

PS: There will be grammatical Errors!!! Beware ;)

PPS: Please read my another story. Completed na po siya. Salamat :) My Babies ang title.

---

The corners of my mouth twitched when I saw the name, 'Imperial Film Academy' on the gate.

Sa dinami-dami ng school na pagmamay-ari ng pamilya, dito pa talaga ako idinestino ni daddy.

This school is a big junk. Hindi lang sa lahat ng pagmamay-aring school ng pamilya namin, kung hindi pati na rin sa lahat ng school dito sa Ethereal City.

All of the students that were enrolled here, are either regarded as a joke or jinx within their families.

In short, they are all 'trash'.

The bad reputation of this school is popular in Ethereal city. The students inside were being mocked by all of the students outside. Though, some of the students here are not easily bullied or also from powerful families, as long as you are part of this school, you'll be look down by those people.

Before, Imperial Film Academy is one of the top schools in Ethereal City. Pero dahil namatay ang dating presidente na namamahala dito, unti-unting nasira ang reputasyon ng school. Lalong-lalo na ng mamahala ang bagong tinalagang presidente ni daddy dito.

That president or should I say, ex-president was a big scum. Akala ni daddy ay talagang maganda ang background ng kutong-lupa na'yon, but to his suprise, fake ang pinasa niyang mga dokumento sa HR ng Clare Corporation which was led to the bankcruptcy of Imperial Film Academy.

That scum didn't know how to manage a business in the first place, and set rules that made the school's reputation crushed. He let all the 'trash' students to be enrolled in the school. Nag-invest din ang kutong-lupa sa mga scum na businesses outside gamit ang income ng Imperial. Nagpatuloy iyon ng ilang taon bago natuklasan ni daddy na na-bankcrupt na ito---which is, agaran niyang in-aksyunan.

He made that scum blacklisted in Ethereal City. Kaya sa oras na tumapak siya sa lupain ng Ethereal, paniguradong hinding-hindi na siya makakaalis ng buhay.

Clare Family is one of the most powerful families in the city. Pang-apat ang pamilya namin sa mahigit trentang pinakamayayamang pamilya dito sa Ethereal. Bilang head ng Clare family, isang salita lang ni daddy, kaya niyang sirain ang buhay ng sino mang pamilya na mas mababa ang ranggo sa'min.

Ang Ethereal City ay isang kilalang syudad sa buong kontinente na may napakaraming mayayaman at maiimpluwensyang pamilya. Ang Ethereal ang sentro ng kalakalan sa iba't-ibang bansa. Sa Ethereal City rin nanggaling ang mga magagaling na calligrapher, painter, sculptor, fashion designer, director at mga businessman na kilala sa buong kontinente.

Kaya kung ang isang tao ay mamamayan ng Ethereal, automatically, those people outside the city will respect and admire him.

Maraming tao ang gustong manirahan sa syudad ngunit dahil sa napakahigpit na batas na mayroon dito, kakaunti lamang ang nakakapasok. And most of the time, they're also from powerful families.

Unting-unting bumukas ang mataas na tarangkahan bago ko ipinagpatuloy ang pagmamaneho papasok.

Liblib ang lugar na kinalalagyan ng Imperial. Ang daan patungo rito ay may kalayuan at marami kang mga punong madadaanan. Ngunit kapag nakarating ka na sa mismong kinalalagyang ng eskwelahan, agad mong maiisip na tamang-tama ang pangalan ng school sa lugar.

Ang mga building ay bavarian inspired-castles na aakalain mo talagang na sa isa kang palasyo. Pati na rin sa paligid, mahahalata mong hindi ordinaryong eskwelehan lamang ito dahil sa pagka-maharlikang tanawin.

Kung hindi lamang ito eskwelahan, ay agad mong aakalain na reyna at hari ang naninirahan dito, imbis na mga estudyante.

No wonder, hindi hinayaan ni daddy na mawala ang Imperial kahit na-bankcrupt na ito at tanging pera niya mismo ang pinangpa-revive niya sa school.  

Agad kong sinuot ang shades na hawak ko bago bumaba ng aking sasakyan.

Dala-dala ko ang aking Armani Bag sa aking kanang kamay habang sa aking kaliwang kamay naman ay ang regalo ko sa vice president ng Imperial.

Naglakad ako patungo sa main building at habang naglalakad, maraming akong nasalubong na mga estudyante. They looked at me with curiosity written on their faces.

But I maintained my blank expression while ignoring them.

Bago pa ako makatapak sa hagdan patungong main building, agad na may sumalubong sa aking matandang lalaki na naka-formal suit.

He bowed at my direction before lifting his face with a warm smile.

Naghahalo ang puti at itim na buhok ng middle-age man sa kanyang ulo. Pero dahil sa pagngiti nito, kung titignan mong maigi, ay makikita mong hindi pa ganoon katanda ang lalaki.

"Good afternoon Ms. Clare, I'm Arnold Santino, the Principal of Imperial Film Academy" the middle-age man said.

Tumango lamang ako rito na agad namang naintindihan ni Mr. Santino. Agad niya kong idinala sa opisina ng vice president.

"Pumasok lamang po kayo Ms. Clare, nasa loob na si Mr. Hernandez" utas ng secretary ng vice president.

Pagkapasok, agad kong naamoy ang aroma ng kape bago ako napatingin sa middle-age man na nakaupo sa sofa at humihigop ng mainit na kape.

Agad itong tumayo at binigyan ako ng isang matamis na ngiti bago lumapit sa akin.

"How are you my goddaughter? It's been years when I last saw you. Ineng ka pa noon, pero ngayon, tignan mo nga naman, you're so stunning hija!" napangiti na rin ako ng marinig ang sinabi ng aking ninong.

Kinuha ko ang paper bag na hawak ko bago ibinigay sa aking ninong.

"This is my gift for you, ninong. I just hope that you can guide me in managing this school" I said while smiling.

"It's one of my responsibilities hija. Don't worry about it. Thank you for this gift"

"Siya nga pala, your office is already okay so, you can go there and check if the place is alright with you. Naroroon na rin ang mga papeles na kailangan mong basahin at mga dokumentong ibinigay ng daddy mo about sa Imperial. Kung mayroon ka mang tanong, you can contact me anytime hija, understood?"

"Understood, ninong. Thank you"

"It's my pleasure. Welcome to Imperial Film Academy Ms. President"

Ngumiti na lamang ako bago tuluyang pumunta sa aking magiging opisina simula ngayon.

The Bitchy TeacherWhere stories live. Discover now