6: Bye

415 20 7
                                    

Pagkalabas ng fast food na 'yon, agad akong pumantay sa tangkad ng paslit at ngumiti rito.

'Nabusog ka ba?'-sensyas kong tanong habang ginugulo ang kanyang buhok kaya agad itong napanguso na ikinatawa ko ng mahina.

'Yes. Thank you'-senyas nito bago ako yakapin ng mahigpit. Hindi nawala ang ngiti ko habang niyayakap ko ng pabalik ang paslit.

Mahilig ako sa bata pero iba ang pakiramdam ko sa batang paslit na'to. Iyong tipong nakakagaan ng kalooban makita ko lang ang mukha niya?

And it's such a nice feeling. Nakakawala ng pagod kahit na na-imbyerna ako ng mga tao sa pinagkainan namin, atleast nandyan ang paslit na sobrang cute.

Agad akong napahiwalay sa paslit ng marinig ko ang sinasabi ng babae sa speaker. Tungkol iyon sa batang nawawala na nakasuot ng kulay asul na kasuotan. Nasa edad lima ito at may nickname na 'Tantan'.

Pinagmasdan ko ang nasa harapan kong paslit at nakita kong asul ang kasuotan nito. Halata ring limang taong gulang na 'to base sa kanyang itsura.

"Is your nickname Tantan, kid?" tanong ko sa bata na agad namang tinanguan nito.

Napabuga ako ng hangin at ilang segundo munang tumingin sa bata bago ko nagpagdesisyunang magsalitang muli.

"I guess, kailangan na kitang ibalik. Baka sobra ng nag-aalala ang mga nagbabantay sa'yo. Kawawa naman ang mga 'yon kapag nalaman ng parents mo for sure" saad ko saka tumayo na at hinawakan ang kamay ng paslit.

Hihilahin ko na sana papuntang security office ang batang paslit ng pigilan ako nito at senyasan.

'I don't want to go home. I want to go with you'-nagulat ako sa sinenyas nito kaya agad kong kinunot ang aking noo.

'Why?'

'Because it's too lonely in our house. Ako lang at ang mga maids ang naroroon lalo na pag wala si daddy'

Lalong kumunot ang aking noo bago itanong ang kanina ko pang gustong itanong sa paslit.

'Where is your mom?'

Nakita ko ang paglungkot ng mata ng paslit nang itanong ko 'yon.

'My dad said she was gone. He said that she's in heaven now'

Nang marinig ko 'yon, agad kong pi-nat ang ulo ng paslit at bahagya itong nginitian na tila sinasabing 'It's alright. Don't be sad. You still have your dad.'

Agad naman tumango ang batang paslit at nawala na ang kaninang lungkot na nasa kanyang mga mata. Gumaan naman ang aking pakiramdam dahil roon.

"Pero hindi ibig sabihin no'n ay pwede ka ng sumama sa'kin kid. Hindi mo ko kilala at hindi rin kita kilala. Hindi ka ba natatakot? Saka baka kasuhan pa ako ng daddy mo ng kidnapping pag ginawa ko 'yon. Gusto mo ba kong makulong?" may halong biro kong utas sa paslit na sineryoso naman nito kaya bahagya akong natawa.

'But I know you. You are my beautiful savior. And I'm not scared to go with you. Daddy will not get mad at you, he will understand it. I promise.'-senyas nito na siyang ikinangiwi ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ko o tatawa sa sinasabi ng paslit na'to. He really is a kid. Masyadong inosente sa reyalidad.

Napailing na lamang ako at napahinga ng malalim.

"Hindi pa rin pwede kid. And I have things to do after, so you need to go back"

Nang marining ito ng paslit, lumungkot ang itsura nito at tila paiyak na ang mga matang nakatingin sa akin.

Damn. Nagpapacute ba ang batang 'to?

Napailing muli ako.

"Okay fine. Ganito na lang, I will give you my number and after you got home, you can call me alright?"

Lumiwanag ang mukha ng bata ng marinig nya ang aking sinabi at sunod-sunod itong tumango.

"Good. Ngayon, halika na at para maibalik na kita sa mga bantay mo. Be a good kid" tumango lang ang bata at hinawakan ng muli ang kamay kong nakalahad sa harapan nya.

Ilang minuto lang, nakarating kami sa security office at agad na dinumog ang batang paslit ng kanyang mga 'bantay'.

"Ay naku jusmiyo ginoo! Mabuti na lang nandito ka na areh! Pinagalala mo kaming bata ka. San ka ba nagpupupunta?" tanong ng matandang babae sa paslit habang tinitignan ang katawan nito kung may sugat ba.

Nang makita nitong wala naman, agad pa itong napasign of the cross bago huminga ng maluwag.

Tinuro lamang ako ng paslit bilang sagot sabay sign language.

'This pretty lady helped me'

Nang makita ng matanda ang sinensyas ng paslit, agad nitong tinuon ang tingin sa akin bago ako tinignan mula ulo hanggang paa.

Tinaasan ko naman ito ng isang kilay, hudyat na hindi ko nagustuhan kung paano ito tumingin sa akin.

"Dalaga, sabihin mo lang kung magkano areh at ibibigay namin!"

Napangisi ako ng marinig ang sinabi ng matandang 'to.

"Okay, then 10 million dollars will do" utas ko. Agad naman nagulat ang matanda sa sinabi ko at hindi makapaniwala sa narinig nya.

"What? Hindi nyo kaya?" natawa ako at muling nagpatuloy sa sasabihin "Nevermind. Sa bangko KO na lang ako kukuha. Gusto mo bigyan rin kita?" ngisi ko sabay suot ng shades ko.

"Paano little kid, I will say bye for now. Tawagan mo na lang ako kapag nakauwi ka na" ginulo ko ang buhok ng batang paslit na ngayon ay muli na namang malungkot ang itsura.

Natawa na lang ako ng mahina bago tumalikod at maglakad palayo.

Napailing ako.

Kaya naman pala ayaw ng bata sa kanila dahil hindi nga naman talaga kagusto-gusto ang mga nasa paligid niya.

Yung daddy kaya ng paslit na 'yon? Kagusto-gusto rin ba katulad ng anak nya? I wonder.

The Bitchy TeacherWhere stories live. Discover now