3: 18

34 5 0
                                    

Magde-debut na ako.
Ready na ang pula na dress
Na tumatayo para sa aking tapang.

Dilaw ang ga kandila
na magliliwanag ng buhay ko.
Dahil sa ganap na araw
Isa ako sa sisikat, hindi dahil sikat na artista,
pero dahil sa wakas ay sasaya.

Oras na para makasama ka
Tulad ng pangako ko sayo mahal ko,
18 na ako.
Handa na ako.
Handa na akong tuparin ang pangako kong dati'y napako.
Mamahalin kita hanggang sa dulo ng ng aking makakaya.

Tinawagan kita
"Sa debut ko, bilang escort ko, pwede ka ba?"
Mabilis na bumulusok ang emosyon
nang marinig ang yong sagot na
"Sorry, first anniversary namin ng girlfriend ko"
Huli na.
Huli na siguro ako mahal ko.

ShiftWhere stories live. Discover now