61💀

979 41 2
                                    

Bea's POV

"Jeb... Kailan ka papasok? Ipaalam mo naman sakin oh.. Nag aalala na ko sayo.. Tawagan mo ko pag nariceive mo to ah?" Sabi ko at tinigil yung voice mail bago iyon sinend sakanya.

Limang araw na hindi parin siya pumapasok.. Limang araw na rin akong nag sesend ng voice mail sakanya.. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko pero minsan ay nag rereply naman siya.

Ganon ba kalala yung sakit ng kapatid niya? Halos mag iisang linggo na siyang hindi pumapasok. Sana okay lang siya..

Tahimik akong nag lalakad papunta sa locker ko kakadaan ko lang sa auditorium dahil pinuntahan ko doon si Fiona dahil may practice pa siya.. Madalas ko nang kasama sila Jin at yung mga kaibigan niya..

Madalas si Jin ang nag hahatid sundo saakin. Pero hindi alam ng kuya ko iyon dahil maaga ang pasok niya at hindi naman niya nakikita ang kotse ni Jin tuwing hinahatid niya ako sa bahay..

Triny kong bisitahin si Jeb sa bahay nila pero nauuwi ako sa pag sama kay Jin.

Madalas nading lumayo sakin sila Rose at Lisa... Lalo na si Jisoo. Hindi ko alam ang dahilan pero parang lumalaki yung distansya namin simula ng sumama ako sakanila..

Ng makarating ako sa locker ko ay kinuha ko doon ang baon ko na madalas na nilalagay ni kuya dahil siya ang mas nauunang pumasok kesa saakin.

'Paborito mo daw sabi ni nanay.' Nakita kong naka sulat sa isang papel na nasa itaas ng tupperware.

Kinuha ko nalang iyon at isinara ang locker ko pero napa tingin agad ako sa tabi ko ng may makita ako sa gilid ng mata ko.

Jisoo.

Lumapit ako sa kanya na may mukhang inaayos sa locker niya.

Kahit na nahihiya talaga akong kausapin siya ay ginawa ko padin kahit na madalas akong naiilang sa pag iwas niya.

"Jisoo.." Tawag ko sakanya.

Napa tingin lang siya saakin pero hindi siya nag salita hanggang sa pinag patuloy niya lang uli ang pag aayos ng locker niya.

"Jisoo sasabay nga pala uli ako sainyo mamaya.." Sabi ko. Kahit naman alam kong wala siyang pakealam ay sinabi ko larin.

"Asan yung kaibigan mo?" Walang emosyon na tanong niya ng hindi man lang ako tinitignan.

"Ah si Fiona? May practice kasi siya sa auditorium.." Sagot ko.

Medyo nagulat ako ng marinig kong malakas niyang sinara ang locker niya.

"Sa ngayon pag bibigyan kitang sumama saamin.." Sagit niya.

Napa ngiti ako. Akala ko talaga sinusungitan na niya ako.

"Pero sa susunod, pati kuya ko ay layuan mo na." Bigla akong naguluhan sa pag papatuloy niya sa sinasabi niya kanina.

"Ha?" Tanong ko habang naka taas ang dalawa kong kilay dahil nagulat at nag taka sa sinabi niya.

Hindi niya ako sinagot at naka tingin lang siya sakin. Bigla nalang niya akong nilagpasan.

Nakaramdam ako ng lungkot. Ayaw niya ba sakin? Ayaw niya banang maging kaibigan ko yung kuya niya?

Napa bunting hininga nalang uli ako.. Sana nandito ko nalang..

***

Pag katapos ng morning classes namin ay nag aalangan pa akong lumabas dahil lunch na.

Nag dadalawang isip parin ako kung sasabay ba ako kila Jin o hindi na dahil sa sinabi ni Jisoo.

Kahit na kaninang umaga pa niya iyon sinabi ay hanggang mag hapon ay binabagabag parin ako non.

Ng maka baba na ako ay hinanap ko si Jin. Nakita ko siyang naka upo lang sa isang table at walang ibang kasama. Tinignan ko pa siya sa malayuan at parang may hinahanap siya..

Huminga ako ng malim bago ko siya lapitan, agad naman siyang napa tingin sakin at napa ngiti.

"Asan mga kaibigan mo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko din alam eh, mukhang wala ata may balak na mag pakita yung mga yun.." Sambit niya.

Umupo ako sa harap niya since wala namang ibang naka upo doon.

Habang kumakain kami ay medyo nagiging komportable naman akong kasama siya.. Lagi niya akong pinapangi.. Pinapatawa.. Kahit na ang corny ng mga jokes niya.

Habang nag sasalita siya ay lumagpas ang tingin ko sa likod niya ng makita ko ang dalawa sa kaibigan niya doon.

Jimin ata yung pangalan nung isa.. At yung isa ata ay Taehyung..

Papalapit na sana sila saamin kaso ay natigilan si Taehyung nang makita niya ako. Bahagya pa siyang bumulong kay Jimin kaya napa tingin din sa gawi namin siya..

Ilang segundo lang kaming nag titigan na tatlo hanggang sa tumalikod na sila at nag lakad papalayo.

"Trice." Nabaling ang atensyon ko kay Jin ng mag salita siya.

"Ha?" Tanong ko.

"Ang sabi ko malapit nang mag bell, kita nalang tayo sa may gate mamaya." Sabi niya.

"Ah ok sige.." Sagot ko.

"Sorry.. Okay lang ba sayo kung hindi muna kita mahatid sa classroom niyo ngayon? Kailangan ko kasing mahanap sila Jisoo eh." Pag papaliwanag niya.

"Ano kaba! Okay lang." Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti din siya pabalik bago mag paalam at umalis na.

Mag isa nalang ako sa table pero nagulat ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.

Napatingin agad ako sakanya at nakita ko si Jin na tumatawa tapos ay tumakbo na uli papaalis at kumakaway pa..

Nakaramdam ako ng pag iinit ng pisngi ko.

Bakit ganito?

Bakit parang may mali na kiligin ako kay Jin..

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Where stories live. Discover now