Sa atin panaginip

847 15 0
                                    

Sa aking panaginip
Isang diwata ang aking nasilayan
Sya'y puno ng galak at kagandahan
Na wari mo'y hindi mo makakalimutan

Sa kanyang mga ngiti
Ako ay nabighani
Tila may isang mahika ang kanyang  mga ngiti;
Ngunit hindi ko alintana kung ito'y isang panaginip

Sapagkat sa kanyang mga ngiti
akoy tila nahuhumaling;
Ayaw nang lisanin
Ang mundong puno ng ngiti at pighati

Alam kong kayhirap nang iyung dinadala
Sapagkat ikaw ang reyna
Ngunit sino ba naman ako;
Para umibig sayo

Ngunit kung iyong panghihilutan
Mamahalin kita maging sating panaginip
Nais kong hindi na magising pa
Sapagkat ikaw ay sapat na

Kunin man ako ni emre ng maaga
Sa akiy ayos na;
Sapagkat nasilayan ko
Na ang babaeng pinakamamahal ko

Alam kong walang karapatan magmahal ang isang tulad mo
Ngunit kung nanaisin ni Emre
Ako'y handang magpaalipin sayo
Sapagkat sayo lamang tumibok ang puso ko

Kahit sabihin nilang akoy isang hamak na mandirigma lamang
Ngunit pag-ibig ko sayo'y tunay
Sana sa iyong magising
Mukha  komparin angniyung iniisip

Sapagkat ganun din ako sayo.
Ngunit sa aking paggising
Ay tila iba ang aking katabi
Walang iba kundi ang iyung
KAPATID...

Ang Buhay Ng Ybramihan//kyruHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin