liham para kay ybrahim

113 6 0
                                    

Para sayo mahal kong ybrahim,

Alam kong hindi tayo para sa isat-isa
Sapagkat batid kong may mahal kang iba
Alam kong mahal ka nya
At ganun ka rin sa kanya

Ano nga ba ang laban ko sa  dalwang
Pusong nagmamahalan ng lubos;
Sa pusong unti-unti ng nauubos
Kahit masakit aking titisin
Mapaligaya lamang ang aking iniibig

Ngunit sa twing kayuy nakikita
Anong sakit ang akin nadarama
Alam kong hindi tama
Na ikay mahalin aking sinta

Subalit ano ang aking magagawa
Kung ikaw ang sinisigaw ng puso kong lumuluha
Kung natuturuan lamang ang puso
Ikay hindi na iibigin pa

Ngunit paano ba kita makakalimutan?!
Dahil batid ko ito lamang ang tanging paraan
Upang ikay tuluyan ng kalimutan ng lubusan...
Aking sinta

Batid ko hindi mo nais na marinig
Ngunit ito lamang ang aking pinababatid
Mahal kita!!
At yan ay iyung tandaan aking SINTA....

Nagmamahal,
Hara amihan ng lireo

Ang Buhay Ng Ybramihan//kyruWhere stories live. Discover now