I.B. || two

634 2 1
                                    

Chatchi.

Pauwi na ko galing Infinite Tea. Bakit parang beast mode ang mga tao ngayon, yung kasi nila sakin parang aso na galit. Kaiyak.

Halla! oo nga pala hindi ako pumasok! At saka hahanapin ako ni Sj. Hays.

Kakanan na sana ako dahil papunta iyon sa bahay namin kaso dumire-diretso ako kasi kailangan ko pang kuhanin mga homeworks ko kay teacher Noah!

Baliw talaga ang Sj na yon lapit lang kaya ng School nag ko-kotse pa!

"Hayys!" sinipa ko yung bottle. Para kang si Sj paharang harang. Sana kung hindi niya ako ginambala edi sana nag kakilala kami nung lalaki.

"Miss"

Pero lahat naman sila ay imagination ko lang din. Hehe nag iisa nga lang ako ditong totoo. Pati tong mga naka-upo dito sa benches.

"Huy Miss"

pati tong sumusunod at miss ng miss. Teka di ko naman iniimagine na tinatawag niya ako ah. Kausapin ko na nga lang!

Eh pero sabi niya "Miss" eh Chatchi kaya pangalan ko hindi Miss! Hayys.

"Hi kuya!"

"Ay! jusko patawarin ako nawa! ano ba yan neng nakakagulat ka naman!"

"Hehe sorry po. Pero hindi po ako si Miss, Chatryne po ako hehehe"

Napangiti naman si kuya. "Ay ganon ba neng" nag kamot si kuya ng batok niya. "Makati po ba? tulungan ko na po kayo"

"Nako hindi hindi na neng ikaw naman e! haha" halla may nakakatawa kaya. "Eh san ba ang iyong punta neng"

Sabi ko na ngang Chatryne eh neng na naman! "Chatryne kuya hindi neng"

"Hahahahahahahaha"

Haluh? baliw ang isang to. Maka alis na late na ko sa klase ko.

Nag patuloy na ako sa pag lalakad.

"Chatryne!" ayoooon sa wakas!

Pinalakpakan ko si Kuya. "Ayan kuya alam mo na pangalan ko!" saya saya.

"Ah Chatryne san ka pupunta?"

"Sa school po, nandoon po kasi yung kaibigan ko at sabay kaming uuwi"

nagtatakang napatingin sakin si kuya. Yung mata niya medyo lumaki at nagpipigil ng tawa. Teka nga parang kanina lang beast mode mga tao ngayon naman clown na.

"Neng Muroz University ba? abay napaka layo nun aabutin ka ng isang araw bago makarating dun! at saka 5 pm na kanina pa nag silabasan ang mga studyante diyan, umuwi ka na neng"

Ha? di naman ako inabot ng isang araw kanina ah!

"Kuya Chatryne hindi neng!"sigaw ko napaatras si kuya ng bahagya mukhang takot.

"Neng kasi a-ang t-twag namin sa mga dalaga pasinsya na"

Hmmft. whatever. Pero yung phone ko nasan. Agad ko naman itong nahalungkat sa maliit kong pouch.

And I dialed Sj number.

Hello Chy where the hell are you?!

"Nandito pa ko sa lupa wala pa ako sa hell"

Nasan ka nga? seryoso

"Papuntang school"

Shit! What?! Nasan ka banda? dyan ka lang ha pupuntahan kita.

"K"

I ended the call. Minsan iniisip ko kung bat na-imagine ko si Sj. Sana pala si mama nalang. Hays.

Imaginary Boyfriend (Under Revision For The Meantime)Where stories live. Discover now