I.B. || six

218 0 0
                                    

The day after tomorrow♡

Chatryne Anne.

Habang nag-ka klase umalis ako without permission of Mr. Santos. Wala namang pakealam yan palibhasa ay freshman graduate at wala pang alam on how to handle his class.

I mean, 'umalis ka kung aalis ka, makinig ka kung gusto mong makinig at pumasok ka sa klase ko kung gusto mong pumasok' ang pananaw niya as a teacher.

At saka whenever I answer on the board sasabihin ba naman, 'I really like you Ms. Baldevarona, you're such beautiful and has brain'

Eh paborito nga niya akong tawagin dahil sa kadahilanang never daw akong nakinig o ni mag pay ng attention sa class niya, palaging ayaw ko daw magpaturo at wala ang utak lagi daw itong naglalakbay.

Jusko, pano pa ako nakakapag isip kung umaalis ang utak at nag-lalakbay? Grabe naman yun siya yata itong may tama sa utak eh.

Medyo malayo na ko sa classroom nang napag-isipan kong pumunta nalang sa library. Malapit iyon sa classroom ni Sj.

At kahit alam kong medyo mataas yung building ng Engineering I still did my best! Ako nalang mag tuturo sa sarili ko hindi ko kailangan ng teacher! Hehe

Pag-lapag ko sa 4th floor medyo mahaba pa yung hallway para makapunta ako sa pinaka dulo. Hays kainis naman bakit ito parang ang layo layo!

Nasa tapat na pala ako ng classroom nila Sj, nasan kaya yun?

Sumilip ako ng tahimik dahil kasalukuyan silang nag-k'klase.

Kaso di ko makita si Sj. Asan ba yung panget na yun? Di ko makita.

"Are you looking for me Miss?"

"Waaaaahhh!", sigaw ko sa sobrang gulat.

Bigla namang napa-tingin sakin lahat ng tao sa loob. Kaya nag peace sign nalang.

Kainis tong lalaki na to! Bukod sa ang panget niya eh siya daw hinahanap ko! Pweeeee!

Sinimangutan ko lang ito at hindi na nag abala pang makipag inisan sa mukhang sasayaw ng JS naka coat pa akala mo ikinagwapo naman niya!

Hindi ko lang maalala kung saan pero parang minsan ko na ding inimagine tong lalaki na to eh...

Tama kasama siya ni SJ nun, nakasalubong ko silang nag-lalakad sa campus. Pareho silang panget hays.

Nilagpasan ko nalang ang room nila since wala naman si Sj doon. Sasabihin ko sanang dun lang ako sa Library.

Pag-pasok ko sa Library sinalubong ako ng Librarian ng sobrang ganda ng ngiti. Wow ang cute naman ng suot niyang headban! May tenga ng Rabbit hihihi!

"Good morning Ma'am...", tiningnan ko yung name plate na nasa uniform niya.

"Mara" tuloy ko with full of joy..

Natuwa naman ito sakin at saka ako pinag log in.

I wrote my Name, Course and Time kung anong oras ako pumasok sa Library.

Maayos ko naman kaagad itong binalik kay Ma'am Mara.

Malawak ang Library ng Muroz University kumpara sa iba. Ito kasi talagang may study table/place sa gitna at puro books sa gilid. Basta sobrang lawak as in.

Walang estudyante ngayon dahil nga class hour pa, pwera lang dun sa naka-dukdok na mukhang natutulog na lalaki sa pangalawang table sa dulo.

Sinadya ko namang dun pumwesto sa last na table after kong mahanap yung Science na pang Gr. 6.

Imaginary Boyfriend (Under Revision For The Meantime)Where stories live. Discover now