Mahal, mahalin mo ako

11 1 7
                                    

Puso'y naninikip sa lungkot na nadarama
Hindi mawari bakit ula'y ang tagal tumila
Tulad ng pag-agos ng luha sa namumugtong mata
Sa mga panahong iniwan mo ako bigla

Naghahanap ng sagot kung bakit nawala ka na parang bula
Sa mga bituin sa langit nakatingala sakali mayroon itong hula
Kung may pag-asa pa ba tayo'y magmahalan ng hindi naghihinala
Kung ako pa ba ang nasa puso mo sinta

Ang pag-ibig na ito ay magmamaliw hanggang sa panahong walang takda
Ngunit ikaw na mangmang ay siyang nagbigay ng tuldok
Tuldok na hindi ko mawari kung totoo o panaginip ba
Parang klima pabago-bago ka

Nagmamahalan tayo mahal sana ako rin mahalin, nakakalito
Nagmamahalan tayo o ako ang lang
Minahal mo kaya ako?
Mahal, mahalin mo ako

Ang paninibugho nitong puso ko pakinggan
Humihiyaw na kalimutan ang masamang panaginip
Kung ito nga ay panaginip
Sana oo nga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Words CollectionWhere stories live. Discover now