PROLOGUE

79 5 16
                                    

[MULTIMEDIA: Vnyx Clyde Santos and Kalanchoe Klessy Kong]

Pronunciation of their names:

Kalanchoe Klessy (Ka-lan-kuh-ee Kle-si)
Vnyx Clyde (Vin-iks Klayd)

PROLOGUE:

Bakit ganoon, bakit lagi na lang akong nare-reject ng mga lalaking nagugustuhan ko?

Maganda naman ako. Mabait. Cute. Matalinaw. Pero bakit rejected pa din?

Way back in junior high:

"Waaah andyan na siya. Omg!"

"Uy bessy, ang gwapo ng crush mo!"

"Tama ka diyan. Wait, stay put ka lang diyan ah.. May iaabot lang ako sa kaniya"

Tumango ang bestfriend ko kaya agad na akong tumayo mula sa pinagtataguan naming damuhan para lumapit sa crush ko na ngayon ay naglalakad pauwi.

Araw araw ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta kaya alam ko na kung saan ang bahay niya.

"Martin" tawag ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"K-kalanchoe?" tumigil siya sa paglalakad kaya mabilis akong napatapat sa kaniya. Masasabi kong medyo mahirap sila dahil kubo lang ang tirahan nila, alam ko rin na nagsisinungaling siya sa maraming tao na mayaman siya. Pero kahit ganoon, tinanggap ko siya. Ayieee~ ang sweet ko 'di ba?

Nginitian ko siya sabay tango. "Ako nga. The one and only" at sabay hair flip pa 'yon!

"P-paano mo nalamang dito ako nakatira? Sinundan mo ba ako?" sunod sunod niyang tanong habang nakakunot ang noo. Okay. I'll admit it, ang gwapo niya lalo sa ganoong expression.

Napakamot ako sa batok ko at bahagyang napatungo. Nakakahiya palang umamin. Siya pa naman ang first crush ko na aaminan ko.

"Ahm.. Oo e, sinundan ka namin. M-may gusto kasi akong sabihin sa'yo" Halos pabulong ang pagkakasabi ko noon pero sa tingin ko naman, narinig niya.

"I'm sorry Kalanchoe, I won't accept your confession. May girlfriend na ako" at bago pa ako makapag-react, pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

Ako? NGANGA! Yung feeling na hindi pa nga ako umaamin, busted agad? Shocks!

**

Simula noon, naging sunod sunod na ang mga rejection na nakuha ko. Shemayy at ito pa a.. Kahit bakla, niloko ako.

December 23, 20**

"Ang saya mo palang kasama Fin, sana makasama pa kita sa susunod" Nahihiya akong tumingin sa kaniya at ganoon rin siya sa akin.

Napansin ko na panay ang tingin niya sa orasan niya kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang tanungin siya.

"Okay ka lang ba? May mas mahalaga ka bang gagawin ngayon? Puwede ka naman na umuwi. Kaya ko naman ang mag-isang umuwi"

Muli siyang napatingin sa orasan niya at biglang ngumiti ng sobrang lapad. Eh?

Nagtaas siya ng tingin at siyempre, para dagdag ganda points, ngumiti rin ako sa kaniya.. Umaasa ako na sana, siya na ang first boyfriend ko.

"May aaminin ako sa'yo"

Omg! This is it pansit!! Lumapit siya sa akin at sa bawat paghakbang niya, lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

"A-ako rin, may aaminin din ako sa'yo"

Wohoo! Mukhang this Christmas, may makaka-date na ako a.

MENTAL GIRLS 2: Kalanchoe Kong #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon