Part Six

6 2 0
                                    

Part six: What a Name

[Kalanchoe Kong]

"I did loved you... but I can't"

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

Madilim, magulo, maingay. Hindi ko alam kung nasaan ako--- kami. At sino itong kausap ko?

"I used to love you, but that love was replaced with loathe"

Ano daw, load? Ano 'to, magpapa-unli siya? loaf? Nagugutom ba siya?

"Pwede bang linawin mo kung ano yung gusto mong sabihin, yung utak ko lumilipad na e"

"You're b****** ****** ** *******"

Mabilis akong napabalikwas nang maramdam kong may kung anong mainit na hangin ang tumatama sa mukha ko. Nang maimulat ko ang mga mata ko ng tuluyan, nakapikit niyang mukha ang agad na bumungad sa akin. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makasiguro, sinampal ko na din ang sarili ko para mapatunayan kung totoo ba 'to o parte pa rin ng panaginip ko.

"O-ohemg---" Hindi ko na natuloy ang mga susunod kong sasabihin nang takpan niya ang bunganga ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

Takte! Anong oras na ba at anong ginagawa ng isang 'to dito? This is really reality! Hindi ako nananaginip, nandito nga talaga 'tong manok na 'to!

"Matulog ka muna, tuks... Alas dos pa lang ng madaling araw"

Ano?!  Gusto ko sanang sumigaw ng malakas pero baka magising ko ang dalawang baliw, baka kung ano pa ang isipin ng mga 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong pero may diin kong tanong. Sino ba naman kasing baliw ang hindi magugulat kung paggising mo, mukha ng taong-hindi-mo-pa-rin-alam-ang-pangalan-hanggang-ngayon ang bubungad 'di ba? Idagdag pang madaling araw ngayon. Susmeyo talaga!

"Natutulog ako, kaya 'wag ka na makulit" Hinila niya ang braso ko para muli akong mapahiga pero pinigilan ko ang sarili na matumba pabalik sa higaan. Sa totoo lang, antok na antok na ako, pero paano ako makakatulog kung nandito 'tong manok na 'to dito?

"May bahay ka namang pwedeng tulugan, bakit dito pa sa mental hospital--- particularly sa kwarto namin at more specifically, sa higaan ko pa gusto mong matulog?" To the highest level na talaga ang kabaliwan ng isang 'to, At kung mang-asar, inpernes sagad sagaran a.

"Kasi pinalayas na ako sa bahay namin at dito sa ward lang ako makakatira ng libre"

Huwaw!

"Edi doon ka sa dalawang higaan na walang nakahiga" tinuro ko ang dalawang bakanteng higaan nila Lavend at Denzy noon.

Tipid naman siyang napangiti. "Mas gusto kong may katabi" 'yong totoo, ilang drugs ba talaga ang sinisinghot ng isang 'to at yung utak e lumagpas pa ata sa outer space.

"Katabi lang pala hanap mo e, tumabi ka sa dalawang 'yon" at tinuro ko sina Trix at Verone. Ano pa ba ang palusot na sasabihin ng isang 'to?

Naghintay ako ng ilang segundo pero mukhang wala na siyang balak na sumagot pa.

"Hoy manok!" tinapik ko siya ng dalawang beses pero mukhang nakatulog na ang loko. Haay! Wala tuloy akong choice.

Dahan dahan akong umalis sa higaan, dapat hindi magising 'tong manok na 'to o kahit isa sa dalawang baliw. Dahil kapag nagkataon, it's game over! Bago ako tuluyang lumipat ng ibang higaan, inayos ko muna ang higa niya at kinumutan siya hanggang leeg.

"Bad trip kang manok! Kinuha mo pa pati higaan ko, pero goodnight"

Pinuntahan ko rin sina Trix at Verone saka ginawa ang mga ginawa ko sa manok. Hindi ko man kilala yung manok na 'yon, alam kong mabait siyang tao.

MENTAL GIRLS 2: Kalanchoe Kong #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon