Part Five

11 5 2
                                    

Part Five: How to mourn for losing the first hug

[Kalanchoe Kong]

Hindi ako makapaniwalang ibang lalaki ang nakasalo sa akin. Pero sa paningin ko kanina, si crush lang naman ang nasa ilalim ng puno a? So ano 'to, nag-the flash ang pegg nitong si kuya mong boi at kaagad niya akong nasalo? Pero si krass, hindi niya man lang ba ako sinalo, kahit sinubukan man lang? ㅠㅠ

Kaagad na nakalapit sa amin sina Trix at Verone. At as usual, nagdrama nanaman ang mga loka... akala naman nila nabalian ako ng buto o ano.

"Huhu, bakla! sorry sorry" si Trix 'yan

"Ayan kasi e, alam mo namang baliw din 'yan si Kalanchoe, pinaakyat mo pa" paninisi ni Verone at nagsimula nanaman silang magbangayan.

Napatingin ako sa lalaking hanggang ngayon ay buhat pa rin ako. "Puwede mo na po akong ibaba" sabi ko at agad na nag-iwas ng tingin. Inpernes, may pes si koya mong boi. Pero 'di hamak na mas gwapo si krass sa paningin ko 'no!

"What if I don't want to?" Narinig kong bulong nito sa tapat ng tenga ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Susme! Nakakakilabot 'tong si kuya a, may balak ba siyang kidnap-in ako? Wala kaming pera kung manghihingi siya ng ransom. Hindi niya rin mabebenta ang mga internal organs ko 'no!

Gumalaw galaw ako para mapilitan siyang ibaba ako at as expected, ganoon nga ang ginawa niya. Pero hindi niya ako binagsak, marahan niya akong nilapag sa sahig. Kahit papaano, mabait naman pala itong si kuya.

"Okay ka na ba bakla?" Mabilis na lumapit sa akin sina Trix at Verone saka siniguro kung maayos lang ako.

"Okay lang ako mga baliw" natatawang sabi ko at binatukan pa sila bilang patunay.

"Aray bakla a! Kailangan talaga may pagbatok na magaganap?" Reklamo ni Verone habang hinihimas ang batok niya.

"Para magising kayo sa katotohanan" naiiling na sabi ko.

"Uy bakla, may hindi ka pa nagagawa a..." Panimula ni Trix at mariin akong napapikit. Akala ko pa naman makakalimutan na nila ang bagay na 'yon, hindi pa pala.

"Oo nga, magpasalamat ka naman sa lalaking tumulong sa'yo" pangongonsensya ni Verone. Napabuntong hininga ako saka tinignan ang dalawang lalaki na papalayo na sa amin.

"A-anong gagawin ko?" Parang kanina lang, tuwang tuwa at kinikilig ako kasi si krass ang mayayakap o mak-kiss ko, pero ngayon ay nag-iba na. Parang yung kabang nararamdaman ko kanina, nararamdaman ko nanaman ngayon.

"Dahil nahulog ka naman kanina, just a hug is enough" Ang utos ni Trix kaya naman napatango na lang ako.

Okay! Kakayanin ko 'to! Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang magbago ng direksyon at yumakap kay crush pero pinigilan ko ang sarili.

Niyakap ko mula sa likod yung lalaking nakasalo sa akin kanina. "Thank you po kasi sinalo mo ako kanina, thank you kasi dahil sa'yo maayos pa ang mga buto ko at buhay pa ako" Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, humiwalay na ako sa kaniya at tumakbo papalayo.

Waaah >.< Nawala na yung first hug ko! Napunta na sa lalaking hindi ko man lang crush ni kakilala. Yawq na ㅠㅠ

* * *

Buong araw akong nagluksa dahil sa pagkawala ng first hug ko. Yung feeling na nai-imagine mo sanang ibigay yun sa mapapangasawa mo pero biglang nakuha na ng iba. Buti na lang at nananatili pa ring untouchable ang lips ko. Kapag nagkataong nawala pati first kiss ko, baka mabuang na naman ako ng wala sa oras.

Nilapag ko sa tapat ng nitso ang isang tangkay ng santan. Pagkatapos ng 26 years of existence ko sa mundong ito, ngayon ko lang naiwala ang unang yakap ko at sa lalaking hindi ko man lang gusto napunta! Haay, bakit ba kasi ako yumakap sa lalaking 'yon unang una pa lang? Bakit ba kasi ako nakinig sa mga baliw kong kaibigan?

MENTAL GIRLS 2: Kalanchoe Kong #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon