Eyes of the mysterious

72 25 29
                                    

(A/u: First time ko pong gumawa nang One shot kaya wag po kayong mag expect masyado dahil masasaktan ko lang kayo)

Ps: Caroline is pronounce as Carol-Line hindi Carol-lyn.

Atasha's Pov:

"Atasha Nicole Caroline Victoria! Pag hindi kapa tatayo sa loob nang tatlong segundo wag na wag kang magtaka na nasa labas na ang lahat nang mga libro mo!" Sigaw ni Lola.

Argh! 5:30 palang po nang hapon at sa totoo lang halos dalawang oras lang ang tulog ko kagabi dahil sa mga baliw kong pinsan na kinukulit ako.

"Itapon mo nalang po la! Pati yung mathematics na libro ko!" Sigaw ko pabalik at tinabunan ko ang mukha ko nang unan.

"Ikaw talagang bata ka! Sus maryosep! LAHAT NANG WATTPAD MONG KOLEKYON ITATAPON KO SA DAGAT! ISA!" Tss bahala ka--- wait what?! No!

Kaagad akong napalikwas sa higaan ko at padabog na pinagbuksan ang pintuan. Mula dito sa kwarto dinig na dinig ko ang karaoke mga taong nag iinuman marahil sa piyesta. Samantalang ako, parang zombie di ko ma describe kong anong revolution nang zombie tung mukha ko.

"Ano ka ba! Alam mo naman diba na alas sais ang misa?! Hapon na! Bakit di ka pa nakabihis ha?! Magbihis kana nang makaalis na tayo." Saka bumaba na si lola. Napatampal nalang ako sa noo ko.

Whew! Pagsinabi kasi ni lola na itatapon niya ay itatapon niya talaga ito nang walang pag aalinlangan. Si Mama at si Papa naman ay nandoon sa labas abala sa mga bisita nila Lola. MAtagal nang namatay si Lolo kaya itong mga pinsan ko dito pinagstay nang mga tita at auntie ko na mga ofw katulad ni papa. Oo hindi kami mayaman pero hindi naman rin kami mahirap yung sakto lang ba. Nakakakain nang 3 beses sa isang araw kong minsan may bunos pang meryenda hahahaha salamat kay Lola.

By the way. Atasha Nicole Caroline Victoria ang nag iisang anak nang pangalawang anak ni Lola. Eh kayo nang bahala ang mag intindi nun. 16 years of age at nasa 4th year highschool na ako ngayong pasukan.

*tok *tok *tok

"Pasok po!" Sigaw ko habang nakaharap ako sa salamin. Abala ako sa pag aayos nang mint green floral dress at abala rin ako sa pagsuot nang flat shoes ko na nasa gilid.

"Aba!Kay gandang dalaga! halika nga dito at aayusin ko yang buhok mo." manghang mangha na sabi ni Auntie saakin. Oo nga pala,taontaon nakakauwi si Auntie at binibigyan nang 2 months vacation ng kanyang amo.

"Auntie naman malalate na po tayo niyan." sabi ko naman sa kanya. Kapag si Auntie ang nag aayos nang buhok ko panigurado bukas pa matatapos pero maganda naman ang kalalabasan.

"Sus! Parang di ka sanay! Last year kaya halos matapos na ang misa bago ka dumating. Kala mo di ko napansin yun?" Hahahaha oo pala halos natapos na ang misa bago ako nakadating dahil nakatulog ulit ako sa kama haysss.

"SShhh! Auntie! Wag ka ngang burgar! Wala namang ganyanan.."sabi ko na may halong panlulumo. Sus pa as if ko lang po hahahahaha.

"Hahahahaha oh sya tara na!" Oo nga pala sila mama at papa nauna nang magsimba kanina marahil walang mag aasikaso sa mga bisita pag wala sila pag nagkataon.

Nang makadating kami, talagang nagsisimula na ang misa. Nabasa na ang 1st reading. Kaagad kaming pumunta sa pangalawang palapag nang simbahan dahil nandoon sila Lola at ang mga pinsan ko.

Nauuna akong umupo kaya magkatabi kami ngayon nang pinsan kong babae na si Shieka pero ang tawag ko sa kanya ay Chen-chen. Wala lang trip ko hahahaha. Seryosong seryoso ako na nakikinig sa mga readings. Syempre kailangan ring mahubog ang ating spritual being.

Enigmatic Sight (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon