Who are you Mr. Mysterious?

45 20 13
                                    

................9 years later...............

May 16, 20xx

Atasha's Pov:

"Caroline...Pangga. Bangon na." Kay sarap pakinggan nang tinatawag niya ako..

"Hmm. Mamaya na. Gusto ko pang matulog." Nanaginip ba ako? Sabihin niyo nga! At sana wag na akong magising.

"Malelate na tayo sa appointment natin. Sige ka. Iiwan talaga kita dito." Maawtoridad man ito pero mahal na mahal ko siya. Seryoso man to sa harap nang iba pero pag ako lang ang kaharap grabe at kahit bihira man to ngumiti, alam kong mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko din siya.

Oo nga pala isa na kaming professional coordinators nang mga events. Tulad nang birthday, kasal , at binyag. Oo KAMI. Meron ngang Kami. Magkakakilala na kami sa higit 3 taon at di kalaunan ay naging manliligaw ko siya sa mahigit 2 taon. Kaya magtatatlong years na kaming mag on this coming September 15 his birthday.

Wala eh di ko alam kong anong e gigift ko sa kanya, kaya yung matamis na oo ko nalang ang binigay ko sa kanya. Tutal binigay naman talaga siya ni Lord. Oo alam ko kong bakit siya na talaga. This is not the first time we incounter each other.

Fates?Destiny? O kung ano man yan? Lahat ay totoo! Oo sinasabi ko hindi dahil lang naniniwala ako. Sinasabi ko ito dahil ito ang naranasan ko. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, ay siya naman rin ang patuloy na pagbabalik sakin nang buong universe niya sakin. Ni ultimo Pinsan ko ay nasali.

--------------FLASHBACK--------------

Its been almost 1 year when that coincidence happen. I'ved never seen him again. Never.

Kaya ito ako ngayon. Excited na excited dahil malamang! Baka magkita ulit kami ni Mr. Mysterious! Bihis na bihis ang hitsura ko ngayon. Syempre
kasama na ang buong pamilya pati sila mama at papa.

"Oh bakit bihis na bihis ka iha?" Tanong ni Lola. Sorry Lord kong magsisinungaling muna ako.

"Magsisimba diba po tayo?" Tanong ko pabalik.

"Oo pero nakakapanibago ngayon ka lang talaga nag ayos nang ganyan ah." Pinaikutan ako ni Lola at tinignan ako ulo hanggang paa.

"Ma, natural dalaga na yang apo mo syempre kailangan na ring mag ayos." Singit ni Auntie sa akin.

"Nakoooo kang bata ka! Kung malaman ko talagang may boypren ka na sisiguraduhin kong--"

"La wala pong nangliligaw saakin. Atsaka hinding hindi ako magpapaligaw." Sabi ko naman.

"Mabuti naman kong ganoon apo. O sya. Tara na." Saka magkasama kaming sumakay nang jeepney para makapunta na sa simbahan.

At ano pa ang aasahan namin pagdating? Wala pang masyadong tao dahil 5:30 palang at wala pang mga tao. Mas pinili ni Lola na may bandang likuran kami umupo kasi meron dawng mga lay minister na uupo sa harap eh.

"Ma. Bili naman tayo nang candy oh." Sabi ni chenchen. Nasa Grade 6 na pala siya ngayong pasukan. At si yanyan? Mag ki-kinder 2 na din. Samantalang ako mag co-college na this year. Medyo kinakabahan nga ako eh. Syempre bagong hamon nanaman sa buhay ko.

Enigmatic Sight (ONE SHOT)Where stories live. Discover now