Long Distance Relationship:15

118 1 0
                                    

Richard Morvic Pov..

Wala sa sarili akong nagtuturo sa aking klase ngayon.

Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano ba ang mga pinagsasabi ni Eva kay Shakira.

Masyado nang umeepal ang babaeng iyon sa buhay ko.

Yung tipong gusto ko na syang sapakin kahit na babae pa sya.

Ang isa kopang kinagagalit ay ang mga nalaman ko kanina , kung bakit nya nakuha ang position na dapat ay laan sa akin.

Yung report ko ninakaw nya .

At yung sakanya ang pinalabas nyang sa akin.

Napakatusong babae.

"Sir, okay ka lang po?" Nabalik ako sa realidad ng may marinig akong nagtanong mula sa likod ko .

Estudyante ko pala, napatingin naman ako sa chalk na hawak ko durog na ito.

"Okay lang ako."  Baling ko sa estudyante kong nagtanong.

Naalala ko nag susulat nga pala ako ng lesson sa blackboard.

"Copy it ." sabi ko at naupo na sa teacher sit.

Napansin ko namang ,di kumilos ang nga estudyante ko at mataman lamang nakatanaw sa harapan .

"Sabi ko kumopya kayo!" Medyo iritado ko nang sabi sa kanila.

"Sir sigurado po ba kayong kokopyahin namin yan?" Pagtatanong sa akin ng isa kong estudyanteng Babae na si Izha .
Nakaturo pa sya sa pisara.

"May reklamo kaba sa lesson na linakokopya ko huh?" Mariing pagtatanong ko sa kanya. Without looking at the board I said that .

Bakit pati tong si Izha pinapainit ang ulo ko.

"Sir do you think that is a lesson?"pagtatanong nya sakin.

At dahil naiinis nako
Tiningnan ko na kung ano ba ang nakasulat .

Bigla naman nanlaki ang mga Mata ko sa nabasa ko.

Mabilis kong dinampot ang pambura sa pisara at madaling binura ang nakasulat dito.

Hays!!! Nakakainis naman oh .

Kakaisip ko sa babaeng yon tsktsk. Nakakahiya naman nakita pa ng mga estudyante ko.
Sobra talagang nakakahiya ang ginawa ko.

Bakit ba kasi iniisip ko iyon.

Nakalagay lang naman po sa blackboard ang mga katagang.

Walang hiya ka Eva, Ipakakain kita sa balyena. Hayop kang malandi ka.

Hindi pwede ito kailangan ko mag focus sa trabaho ko.

(Sigh)

Seryoso kong hinarap ang mga estudyante ko na kanina pa nagbubulungan.

"It was nothing , just forget about it . You may dismiss now!" Pagkasabi ko nan ay binitbit ko na agad ang nga gamit ko at lumabas na ng room na iyon.

Long Distance RelationshipsWhere stories live. Discover now