Kabanata XXXI

267K 9.2K 1K
                                    

ISANG buong araw ang lumipas, isang magdamag ang nawala. Pero hayun at mukhang wala talagang balak si Kaden na kausapin siya.


"Hoy!" Sinundan niya si Cross sa garahe ng mansiyon. 


Paalis ito. Ang bango-bango. Napapansin niya na palagi itong busy nitong mga nakaraang araw. At kahit sumasapit ang weekends ay hindi ito umuuwi sa mansiyon. Hindi niya alam kung saang condo nito ito sa Manila naglalagi.


"What?" Iritado siya nitong nilingon. Tila lamig na lamig ito kahit katirikan ng araw. Nakapolo na, may patong pang itim na leather jacket, at naka-leather boots pa! Kulang na lang ay mag-gloves pa ito.


"Ano ba talaga kayo?"


"What?" Halos magbuhol ang makakapal nitong kilay. Hindi niya makita ang mga mata nitong kulay berde dahil natatakpan iyon ng suot nitong dark shades.


Hinila niya ang kwelyo ng suot nitong polo. "Sagutin mo naman ako nang seryoso, Cross! Kahit ngayon lang, utang na loob."


Tinawanan lang siya nito at pinagpag ang kamay niyang nakakapit sa damit nito.


"Cross, ano ba?!"


"Busy ako. Doon ka sa tatay mo magtanong." Binuksan na nito ang pinto ng mamahalin nitong kotse na heavily tinted ang mga salamin.


"Buwiset ka talaga!" Inis na hinampas niya ang lalaki.


"I love you, too!" Sumakay na ito at mayamaya lang ay pinapakain na siya ng alikabok mula sa kinatatayuan niya.


Gigil na nagpapadyak si Perisha. "Kakainis."


Kung hindi kay Kaden, si Cross lang ang maaasahan niya, kaso hindi rin kaasa-asa ang damuhong iyon. Inis na bumalik siya sa mansiyon. Dumeretso siya sa kuwarto ni Lourd, sana lang ay nakauwi na ang binata.


"Sinong hinahanap mo?" Si Lucia ang nadatnan niya sa kuwarto ni Lourd, tulala itong nakatayo sa tabi ng malaking bintana. Bahagya lang itong nakasilip da makapal na kurtina dahil malamang katulad ng mga Vox ay takot din ito sa araw.


"Si Lourd."


"Hindi pa siya umuuwi." Malungkot ang mga mata nito. Gusto niya sanang usisain ito, pero may sarili siyang problema na dapat harapin.


"May itatanong ako, Lucia, please sagutin mo ang tanong ko. Isang tanong lang naman ito."


Nakatingin lang ito sa kanya.


"Ano ba siya? Si Kaden, sino ba talaga si Kaden?"


"Siya ang lalaking mahal ko." Walang gatol nitong tugon.


"Shit." Natampal niya ang sariling noo. Sabi na nga ba at wala rin siyang matinong sagot na makukuha sa babaeng ito. Aalis na siya ng bigla itong magsalita.

Fall For YouWhere stories live. Discover now