Kabanata XXXIV

268K 8K 893
                                    

NAPAKAPIT nang mahigpit ang dalaga sa balikat ni Kaden.


Idiniin niya ang sarili sa malambot at mabangong katawan ni Perisha, muli itong napaungol ng maramdaman ang buhay na buhay na parte ng kanyang katawan. Nakasaklang pa rin kasi sa magkabila niyang bewang ang mga binti nito. Nakaharang siya sa katawan nito upang hindi ito mahulog mula sa ere.


"Grabe..." habol ang hiningang nakangiting sambit ni Perisha.


"It's okay..." aniya. Inabot niya ang mga labi nito. Humihingal na lumayo sa kanya si Perisha matapos ang ilang minuto. Kapwa sila pawisan.


"Hindi okay..." habol pa rin nito ang paghinga. "Kulang ang salitang 'okay', hindi rin akma. Because what we had was extra-ordinary. It was amazing. You are amazing, my love." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Kaso nanginginig pa rin talaga ang mga laman ko, hindi ko alam kung kelan ako masasanay na si superman ang boyfriend ko."


Napangiti siya sa sinabi nito.


"Hindi ko alam kung bukod dito, ano pa ang pwede nating gawin." Humagikhik ito. "Kaya mo rin ba akong dalhin sa buwan? Ha, superman?"


Wala sila sa ibabaw ng kama, wala rin sila sa bathtub, pero nasa loob pa rin sila ng kuwarto niya. Nasa kisame sila. Nasa ere. Si Perisha ay nakasandal sa kisame at siya ang nakaharang sa katawan nito sa ere.


Ngumiti siya at hinagkan ito sa noo. "Pahinga ka na, superwoman."


"Okay, pagod na pagod na nga ako..."


Bumagsak silang dalawa sa ibabaw ng kama. Malakas na lumangitngit ang kama dahil sa pagbagsak ng mga katawan nila. Siya ang nasa ilalim ni Perisha.


Humagikhik ito at tinampal siya sa braso. "Hindi ko talaga akalaing mararanasan ko iyon." Nangingislap ang inosente nitong mga mata.


Para sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang ka-inosentehan sa mga mata nito. Maging sa buong pagkatao nito. Para kay Kaden ay ito pa rin ang dating Perisha. Ang munti niyang Perisha.


"Why?" Nag-aalalang tanong niya ng bigla itong nanahimik.


Tiningnan siya nito. "Paano nga pala natin ipapaliwanag sa mga magiging anak natin ang sitwasyon?"


"Sitwasyon?"


"Oo... na hindi ka tumatanda. At paano ko ipapaliwanag ang mga kakayahan mo sakaling makita nila iyon?"


Hindi siya nakaimik.


Mayamaya lang ay ngumingiti na ulit ang mga labi ni Perisha. "Kanino kaya sila magmamana? Sa'yo kayo? Baka sa'yo nga."


Pinilit niyang ngumiti kahit nahihirapan ang kanyang kalooban sa isiping hindi niya ito mabibigyan ng anak.


"Cute vampire babies!" Masayang sabi nito. "Naku, hindi ko talaga lubos maisip na totoo ito."

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon